Maaga akong nagising para pumasok dahil marami pa akong pasyente na naghihintay sa akin.
Pagkarating ko sa ospital natanawan ko agad si jasper sa labas na naghihintay. Nakangiti itong lumapit sakin.
"Good morning Doc. Smith" aniya nito. Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako papasok sa ospital. Pero tuloy pa rin ang buntot niya sakin.
Humarap ako sa kanya na may nakakairitang tingin. "Bakit kaba sunod ng sunod."
"Wala kang magagawa dahil pareho tayo ng ospital na pinapasukan at parehas tayong doktor" ngumisi siya.
Tinulak ko siya at nagsimula ulit maglakad. Pero hinila niya ako dahilan iyon para mapayakap ako sa kanya. Tinulak ko naman siya agad palayo. "Ano ba!!!" Sigaw ko sa kanya. Talagang napupuno na.
"Pasensiya na." aniya tinaas ang dalawang kamay na animo'y sumusuko. "Para sayo" hindi ko napansin ang bulaklak na hawak niya.
Hindi ko kinuha ang bulaklak na ibinigay, ganun nalang ang gulat ko ng may nga nurse na pala na nanunuod samin. Kahit hindi kami nagkakasundo at laging nag-aaway ay kinikilig pa rin sila samin.
Inirapan ko siya bago tumuloy papunta sa opisina. Pabagsak akong naupo sa swivel chair at hinarap ito sa bintana. Pinagmasdan ko ang naglalakihang building at asul na kalangitan. Maya-maya pa,'ay may kumatok. Bumuntong hininga ako dahil alam ko naman kung sino yun.
"Pasok!" Pasigaw kong sabi.
Narinig ko na ang pagbukas ng pinto at ang paglalakad nito papunta sakin.
"Ano na naman ang kailangan mo!!!" Pasigaw kong sabi. Pinaikot ko ng mabilis ang swivel chair paharap dito, napatayo ako ng makita ko si ace sa harap ko. "Ano, bakit ka nandito?" Kalmado ko nang sabi.
"Lagi ka nalang sumisigaw" aniya. nakapamulsa at nakatitig sakin ng deretso.
"Akala ko kas---" hindi ko natuloy ang sasabihin ng unahan niya ako.
"Akala mo ako si japer?" Patanong na aniya. Tumango lang ako. "Tsk" singhal niya.
"E, bakit kaba kasi nandito. " Mataray kong sabi.
Umiling-iling siya at parang natutuwa. "Gusto sana kitang yayain?"
"Ako yayayain mo? Anong nakain mo? Nasaan ang fiancee mo? Bakit hindi siya ang yayain mo" tuloy-tuloy ko sabi halos walang preno ang bibig ko.
"Busy siya. Kaya ikaw ang naisipan kong yayain" aniya ni ace.
"Busy?" Patanong kong sabi. "Kaya ako ang yayayain mo." Dagdag ko pa.
"May gusto din akong sabihin sayo" aniya ni ace.
"Bakit hindi mo pa sabihin ngayon" mataray ko sabi. nakataas ang isang kilay.
"Marami akong sasabihin. Kaya sana sumama kana sakin. Susunduin kita" aniya ni ace.
"Hindi siya sasama sayo" biglang pumasok si jasper.
"Jasper, wag kang makielam dito" seryosong sabi ni ace.
"Biglang kapatid ace. Wag mong guluhin ang girlfriend ko" matapang na sabi ni jasper.
Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ng sabihin iyon ni jasper sa harapan ni ace. Nabasa ko rin ang gulat sa mga mata ni ace.
"Ikaw ang nobyo niya" aniya ni ace.
"Oo. Ako nga, may finacee kana bakit nilalandi mo pa ang girlfriend ko" aniya ni jasper.
"Jasper hin---" tinakpan ni jasper ang bibig ko kaya hindi ako nakapagsalita.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomansaAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...
