CHAPTER 19

504 34 1
                                    

ASHLEY POV'S

   Nandito kami ngayon sa court dahil may ia-anonce sa amin. Halos lahat ng buong campus ay nandito.

   Hindi ako nakikinig sa sinasabi ng dean, nakatuon lang kay ace ang paningin ko. Kasama na naman niya ang babae na yun.

"Galit?" rinig kong sabi ni jasper tumingin ako sa kanya ang paningin niya ay na kay ace din.

"Bakit naman ako magagalit" angil ko humarap ako sa stage.

"Dahil nagseselos ka sa babaeng katabi ni ace?" patanong na sabi niya. parang nang-aasar.

"Bakit naman. E, mas maganda pa nga ako dun" nakangusong sabi ko. Ang kapal ng mukha ko nuh ..

Narinig ko ang pag-ngisi niya. "Alam mo naman pala E, bakit ganyan ang mukha mo" aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Pinagpapalo ko siya. "Nakakainis ka" naiinis na sabi ko.

"Tigilan mo nga yang pagpalo mo sakin" hinarang ang mga palad.

"Tigilan mo kasi ang pang-aasar sakin" sabi ko.

"Ang kyut mo kasi kapag naiinis" pinisil niya ang pisngi ko.

Tumingin ako kay ace na noon ay nakatingin na din pala sa amin. Nginitian ko siya at ganun din naman siya sakin.

   Humarap ako sa stage wala akong naintindihan sa ibang sinabi ng dean maliban nalang sa aquaintance na gaganapin bukas.

Pagkatapos ng announcement ay nagpunta muna ako ng canteen dahil kanina pa ako nagugutom, nakakabagot makinig sa sinasabi ng dean. Ito namang si jasper laging nakasunod kahit saan ako pumunta nandun din siya. 

    Bakit ba hindi ko siya maiwasan kahit alam kong umamin na siya sakin. Pero di naman ako nagbibigay ng motibo para mas lalong lumalim ang pagkagusto niya sakin. Hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya si ace ang mahal ko,oo,totoo yun'si ace ang mahal ko.

"Kain kana" abot niya ng inorder na pagkain.

"Salamat" kinuha ko ang pagkain.

  Nagsimula na akong kumain. Kapg kinakausap ako ni jasper hindi ko siya pinapansin nakatutok lang ako sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako nakabuntot na naman si jasper, kay lalaking tao ang hilig bumuntot daig niya pa aso.

Humarap ako sa kanya. Kaya napatigil siya sa paglalakad. "Hoy hindi kaba titigil sa kakasunod" sigaw ko sa kanya kahit magkalapit naman kami.

Ngumisi siya sakin na tila mo siya ang pinakagwapo. "Hindi ako titigil lalo na kung kagaya mo ang susundan ko." Tinignan niya ako ng may paghanga.

Nilagay ko ang aking kamay sa may bewang ang isa naman ay nasa aking baba. "Hindi porket umamin ka sakin ay magugustuhan nadin kita" serysong sabi ko.

Ngumiwi siya. "Gagawin ko ang lahat magustuhan mo lang ako" tumalikod siya sakin,nagsimulang maglakad.

"Hoy" sigaw ko huminto siya pero nakatikod sakin. "Baka nakakalimutan mo fiancee ko ang kapatid mo" sigaw ko. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa paglalakad.

  Paglingon ko sa likod ko nandun silang limat pati si alex. Seryoso ang mga tingin nila, si alex ay umiiling-iling. Binaba ko ang paningin ko sa lupa.

"Ashley may gusto ang lalaki na yun sayo?" Lumapit si kuya jaxon sakin.

Inangat ko ang paningin sa kanya. "Kuya..."

"Nagtataka pa kayo E, sa ganda ng kaibigan ko walang hindi magkakagusto sa kanya" aniya ni alex sa kanila.

"Yun nga E, pero si ace lang ang nagustuhan niya" iiling-iling na sabi ni kevin.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon