ASHLEY POV'S
Maaga akong nagising upang ipagluto ng umagahan si ace. Wala rin naman pasok ngayon dahil sabado kaya maghapon kong makakasama si ace.
"Hija, bakit ikaw ang gumagawa niyan" aniya ni yaya pagpasok sa kusina.
"Okay lang yaya, gusto ko rin gawin ito" nakangiting sabi ko.
"Mukhang ang ganda ng gising mo ah" si yaya pinagmamasdan lang ang aking ginagawa.
"Masaya lang po ako dahil gising na si ace,"
Pinaghanda ko si ace ng bacon,egg,bread at milk. Umakyat na ako upang dalhin iyon sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto ay gising na rin ito. May hawak siyang libro at binabasa ito. Sinarado niya ang libro ng maramdaman ang presensiya ko.
"Kumain kana baby, ako ang nagluto ng mga ito" masayang sabi ko. Nilapag ko sa mesa ang mga dalang pagkain.
"Ayoko niyan" maikling sabi niya.
"Bakit may gusto kabang iba baby, Sabihin mo at ipagluluto kita" sabi ko.
"Hindi ako nagugutom"
"Baby,..."
"Wag mo kong tawaging ganyan. Hindi BABY ang pangalan ko" pagdidiin niya.
"Okay ace," pinilit ko nalang maging masaya sa harap niya. "Pero kumain kana muna" kinuha ko ang tray at inilapag sa kanyang mga hita.
"Sinabi nang ayokong niyan. Bakit ba ang kulit mo" binalibag niya ang mga pagkaing hinanda ko. Napapikit nalang ako sa gulat.
Tumingin ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok sila kuya jaxon.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni kuya jaxon.
"Wala kuya jaxon. Nabitawan ko lang yung tray na dala ko" palusot ko sa kanya. Pinulot ko ang mga pagkaing tinapon ni ace.
"Ashley, hayaan mong si yaya na ang gumawa niyan" pigil sakin ni kevin. "Magpalit ka muna, basang-basa ka"
Tumango ako sa kanya. Bago ako lumabas at sinulyapan ko pa muna si ace. Pero ganun nalang ang lungkot ko nang hindi ito nakatingin sakin sapagkat nakatuon ito sa kanyang hawak na libro.
"Yaya, pakilinis po yung kalat sa kwarto ni ace" sabi ko kay yaya nang makasalubong ko ito.
Tumuloy ako sa kwarto ko upang magpalit ng suot.
Bakit parang bumalik ang dating ace.. naging malamig ang pakikitungo niya sakin na parang hindi kami magkakilala..
Pagkatapos kong maligo, pumunta ulit ako sa kwarto ni ace pero wala siya doon. Nilibot ko ang buong bahay pero hindi ko siya makita maging sila kuya jaxon.
"Yaya, nasaan sila?" Tanong ko.
"Lumabas sila hija" patuloy ang pagpupunas.
"Saan daw po pupunta?" tanong ko ulit.
"Ang dinig ko ay makikipagkita sila kay harvey,"
Tumakbo ako papunta sa kwarto upang kuhanin ang cellphone ko. Tinawagan ko agad ang numero ni harvey ngunit hindi niya iyon sinasagot. Nakakainis naman ...
Kinuha ko ang susi ng kotse ni ace at nagmadali pinaandar papunta sa bahay nila harvey. Hindi ako nagdoorbell ako na mismo ang nagbukas ng pinto upang makapasok. Nagtago ako at sumilip sa bintana nakita ko na nandoon nga sila pero nakatilikod sila sa akin. Kinaway ko ang aking kamay sa bintana, nakita kong matawa si harvey nang makita ang ginagawa ko. Tinawag ko siya nang walang salitang lumalabas sa aking bibig.
Doon siya dumaan sa likurang bahay niya. Hinaila niya ako papunta sa may sulok.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...