CHAPTER 29

410 35 0
                                    


  May nakakasilaw na liwanag ang tumama sa mga mata ko. Binuksan ko ang aking paningin at napagtantong nasa isa akong silid. Tinignan ko ang kabuuan ng paligid, kakaiba ang disenyo ng silid na ito. Ultimo kagamitan ay kakaiba. Bumukas ang pinto niluwa ang isang matandang lalaki na may mahabang balbas at makapal na bigote. Mayroon itong salamin kaya hindi ko makilala kung nakita ko na ba siya dati.

"S---Sino ka?" Halos nanghihina pa ako, masakit pa rin ang tagiliran ko.

"Wag kang, mag-alala isa akong kaibigan" aniya. Halatang matanda na talaga.

"Kaibigan? E, hindi naman kita kilala" aniya ko.

"Hindi lahat ng kaibigan mo,'ay kilala mo na" aniya, seryoso.

"Anong sinasabi mo?" Nagtatakong sabi, hindi ko maunawaan ang kanyang mga sinasabi.

"Napansin ko kasi sayo na mabilis kang magtiwala, na mabilis makuha ang loob mo"

"P-----paano mo nalaman?" Halos mautal kong sabi.

"Siguro, yun ang nakikita ko sayo"

"Nasaan ba ako?" Tanong ko. Hawak ko ang sugat kong kumikirot pa.

"Nasa bahay kita"

"Ano!!!" Sigaw ko.

"Hindi kita sasaktan, pino-protektahan lang kita hija,"

"Saan naman?"

"Sa mga taong gustong kumuha sayo"

"Sino ang mga taong yun, sabihin mo"

"Ikaw dapat ang nakakaalam niyan, dahil ikaw ang paka'y nila"

"Ang mga kaibigan ko nasaan sila?" tanong ko. Pinipilit kong tumayo kahit na dumudugo na ang sugat ko.

"Huminahon ka hija, ang sugat mo ay hindi pa magaling"

"Bitawan mo ko" sigaw ko. Pilit niya akong pinapahiga.

"Wag kang mag-alala hindi naman kita sasaktan, maniwala ka sakin" aniya. May pumasok na dalawang babae sa loob at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Paano ako maniniwala sayo. E, ngayon lang kita nakita" aniya ko.

Tinanggal niya ang salamin. Tumingin siya sakin ng deretso. "Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan" galit na sabi niya.

"T----tito" hindi makapaniwalang sabi ko. "Nandito ka? Paano nangyare ito? Kailan ka pa dumating?" Sunod-sunod kong tanong.

"Mag dahan-dahan ka nga sa kakatanong bata ka"

"Tito, hindi ko kayo namukhaan. Sa haba na balbas niyo at makapal niyong bigote. Ang laki ng pinagbago niyo"

"Hindi lang ako nakakapag-ahit dahil wala akong oras"

"Wala kang oras? Talaga ba. E, bakit ka pumunta ng pilipinas kung ganun." Tanong ko.

"Alam kong hindi mo naman talaga ako tito, pero si ben na kapatid ko ay malaki ang malasakit sayo. Halos tinalikuran niya ang lahat para lang sa inyo ng mommy mo."

"Alam ko po yun, kaya nga po malaki ang utang na loob ko kay daddy ben dahil tinuring niya ako bilang isang tunay na anak, kahit na kaaway ng pamilya niyo ang ama ko" aniya ko. Nagbaba ako ng tingin.

"Hija, hindi ka kasali sa gulo ng pamilya namin."

"Pero tito, nasaan ba ang mga kasama ko.?" Nag-angat ako ng tingin kay tito.

"Hindi ko alam kung sino ang mga sinasabi mo hija, dahil nakita lang kitang nakahiga sa lupa na may tama ng palaso"

"Pero ano yung sinasabi mo kanina tito"

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon