CHAPTER 39

409 29 0
                                    

  

   Hindi ko maintindihan ang sarili ko, mabilis ang pagtibok ng puso ko. Kung may sakit lang ako sa puso ay hinimatay na ako. Hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ni ace. Oo, tama, ngayon ko lang ulit naramdaman ang mga labi ni ace. Naririnig ko rin ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib. Hindi nga ako nagkamali, nakainom nga si ace. Dahil ang mga labi niya ay lasang alak pero kahit nakakasuka hindi ko magawang itulak siya palayo dahil gusto ko rin ang nangyayari.

   Ngunit nagulat ako ng mapaupo si ace sa sahig, hawak ang labing dumudugo. Napatingin ako kay jasper, nakalukot ang mga kamao. Naroon ang galit sa mga mata niya.

"Ace, Hindi ako papayag na halikan mo ang nobya ko sa harap ko" aniya. Halatang galit, ngayon ko lang nakitang ganito si jasper.

Tumayo si ace at pinagpag ang sarili. "Kung ganun, gagawin ko yun ng palihim" aniya ni ace.

Inangat ni jasper ang kamao akmang sasapakin si ace. Pero hinila ko na palayo si japer at dinala sa labas.

"Ashley, bakit ka nagpahalik kay ace" angil ni jasper. "Alam mo bang nagseselos ako" dagdag pa ni jasper.

"Bakit ka naman nagseselos, hindi mo ako nobya jasper." sigaw ko sa kanya.

"Alam ko ashley, pero gusto kita. Mahal na mahal kita ashley" malungkot ang tinig niya.

"Jasper, ilang beses ko bang sasabihin sayo. Hindi kita gusto" aniya ko.

"Ano bang dapat kong gawin, para magustuhan mo ako. Kailangan ko bang maging katulad ni ace" aniya.

"Hindi jasper" hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Dahil kahit maging katulad ka pa ni ace, Si ace lang siya lang" aniya ko. Nakayukong sabi ko sa kanya.

"Ashley, hindi kita titigilan. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo din ako, gaya ng pagmamahal ko sayo" seryosong aniya. Bumalik na siya sa loob.

   
    Nagpalipas lang ako ng ilang minuto sa labas at sumunod na rin kay jasper sa loob. Nakita ko sila na nag-iinuman, nandoon din sila kuya jaxon. Nandito pala sila, hindi ko manlang sila nakita. Si lexi, nandito din siya. Pagpunta ko sa gawi nila, lahat sila ay nakatuon sakin ang mga paningin. Tumabi ako kay jasper dahil sa tabi niya lang ang may bakanteng upuan, pinaggi-gitnaan ako nilang dalawa ni harvey. Nasa harap ko naman si ace.

"Ashley, kanina pa kayo dito" tanong ni kevin.

"Medyo" nilaghok ko ang baso ng wine na nasa harapan ko.

"Baby, cheers tayo" aniya ni lexi kay ace. Pinag-untog nila ang hawak na bote.

"Ashley, saan ka pupunta?" Tanong ni harvey ng tumayo ako sa kinauupuan.

"Kakanta lang ako." aniya ko. Ngumiti ako kay harvey.

     Tumayo ako at naglakad papunta sa may stage. Naupo ako, kinuha ko ang gitara. Lahat ng mga kasama ko ay tumayo para lang mapanuod ako


  BEAUTIFUL SOUL
BY: JESSE McCartney

I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul

I know that you are something special
To you, I'd be always faithful
I want to be what you always needed
Then I hope you'll see the heart in me

I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul
You're the one I want to chase
You're the one I want to hold
I won't let another minute go to waste
I want you and your beautiful soul
Your beautiful soul, yeah

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon