ASHLEY POV
Ngayon ang unang araw namin sa kolehiyo. Maaga akong nagising dahil excited ako, Doctor ang kinuha kong kurso parehas kami ni ethan. Si ace naman ay engineer. Si alex ay architect ang fiancee naman niya na si drix ay isang attorney. Si kuya jaxon naman ay accountant at si kevin ay isang chef.
Hinatid ako ng driver ni daddy sa school. Hindi naman kasi natutulog si daddy sa bahay pati si kuya jaxon dahil sa UG na sila nakatira nung una palang.
Pagdating ko palang ay ganun na agad kadami ang estudyanteng pumapasok. Hindi kagaya nung high school pa ako, late na kung pumasok ang mga estudyante. Pero ngayong ibang-iba dahil ang aga palang marami na agad estudyante.
Pumasok na ako sa loob ng paaralan at ayun na naman ang lima pinag-ka-kaguluhan ng maraming babae. Hindi pa ako nasanay lagi naman silang hinahabol ng bababe.
Nakita ko si alex kasama nila magkahawak kamay ang dalawa."Best nandito kana" sabi ni alex ng makita ako, agad itong tumakbo palapit sa akin. nakasunod naman ang lima.
"Bakit ngayon kalang" tanong ni kuya.
"Ang aga ko na ngang dumating" nakangusong sabi ko.
"Good morning baby" nakangiting umakbay sa akin si ace.
Napansin ko ang mga babaeng natigilan ng akbayan ako ni ace. Tumindi ang mga bulungan 'hindi ata nila inaasahan na may nobya ang lalaki na ito. Sa gwapo ng fiancee ko dapat alam na nila yun..
"Kita-kita nalang tayo, kung may oras" nagpaalam na si kuya jaxon sa amin.
"Ethan ikaw na bahala sa baby ko" aniya ni ace sa kaibigan.
"Oo akong bahala sa kanya" aniya ni ethan kinindatan pa ako.
"Sorry baby hindi kita maihahatid sa room mo" malungkot na baling niya sa akin.
"Okay lang baby, kaya ko naman pumunta mag-isa sa room ko" nakangiting sabi ko.
Naghiwa-hiwalay na kami. Mag-ka-kaiba ang building ng pinapasukan namin 'pero iisamg school. Bawat kurso ay may building kaya hindi nakakalito. Kasama ko si ethan pero hindi kami magkaklase, magkatabi lang ang room namin. Kami lagi ang sabay na magbreaktime. Minsan naiisip tuloy ng iba na may relasyon kami ni ethan, kaya natatawa nalang kami sa naiisip nila sa amin.
Nang magbreak-time ay sabay ulit kami ni ethan, pagdating sa canteen ay siya ang umorder. Dahil siya naman talaga ang umoorder ng kakainin namin lagi.
"Pwede maupo" aniya ng lalaki sa harap ko na may dalang tray. Hindi ko siya napansin.
Pagkakita ko sa lalaki ay ang pogi niya. Parehas sila ni ace ang lakas ng dating, parang artista. Bagsak ang buhok na kulay brown, matangos ang ilong,makinis ang mukha,maputi ang mga kutis parang babae,mapupulang labi,mahabang pilik-mata,ang kilay niya parang inahit pantay na pantay,halatang may dimple siya at ang ngipin niya ay napakaputi.
"Miss pwede maupo" aniya. Ini-wa-gay-way ang kamay malapit sa mukha ko.
Hindi ko siya nasagot ng dumating si ethan. "Jasper ikaw ba yan?" Tanong ni ethan sa likuran nito.
Humarap ang lalaki dito. "Ethan?" nakangiting tinapik ang balikat.
"Maupo ka" utos ni ethan dito at naupo din siya.
"Dito ka pala nag-aaral?" nakangiting sabi ni jasper.
"Oo, long time no see" si ethan sabay abot ng pagkain sa akin.
Bago pa sila magsalita ay nagsalita na ako. "Sino siya?" Turo ko kay jasper.
Tumingin silang dalawa sa akin. "Jasper Ian Klein" pagpapakilala niya.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...