CHAPTER 25

446 32 2
                                    



"Harvey, samahan mo naman ako" nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Saan naman?"

Hindi ko siya sinagot, tumayo ako at hinila siya patakbo. Hindi kami nagdala ng sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa isang bar.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ni harvey.

"Magdidiwang kami para sa pagkapanalo ko. Sinama kita kasi baka mapadami ako ng inom" ngumuso ako.

"Ikaw talaga" hinawakan niya ang buhok ko at ginulo.

Pagpasok namin sa loob nandun na ang mga kaklase ko halatang lasing na ang iba.

"Ashley, maupo kayo" alok ni cecile ng makalapit kami.

"Pasensiya na kayo nalate ako"

"Okay lang" inabutan kami ng tig-isang bote ng alak ni cecile.

"Cheers!" Tinaas ko ang hawak kong bote.

"Cheers!" Aniya ng mga kasama ko.

Ilang oras na ang lumipas at limang bote na ang nainom ko kami nalang ang tao sa bar. Si harvey ay kalahating bote lang ang nainom, hindi siya naglasing dahil ihahatid niya pa ako pauwi.

"Inom pa ashley," inabutan ako ng isa pang bote ng alak ni cecile.

Kinuha ko naman ito. Iinumin ko na sana nang biglang kunin ito ni harvey at ilapag sa mesa. "Tama na, Lasing kana" aniya nito sakin.

"Alam mo ashley," nakaturo ang mga daliri ni cecile sakin. Pipikit pikit na ang mga mata. Halatang lasing na talaga. "Kung hindi mo lang talaga fiancee si ace. Iisipin ko magnobyo kayo nitong si harvey," turo naman niya kay harvey.

"Tumigil ka nga, lasing kalang" pinalo ko siya sa braso niya.

"Totoo ang sinabi ko. Hindi ba mga kasama" aniya sa mga kaklase namin.

"Oo. Bagay naman kayo Eh," sang-ayon ng isa.

Nagpalipas pa kami ng isang oras doon bago napagpasiyahan na umuwi.

"Bukas nalang ashley," paalam ni cecile ng makalabas kami ng bar.

"Mag-iingat kayo" aniya ko nagpaalam na din sa kanila.

Humarap ako kay harvey na nasa likuran ko. "Halika na" aniya ko. Naalala ko wala nga pala kaming dalang sasakyan. Kaya nagpasiya kaming magpara nalang ng taxi.

"Wag mong isipin ang sinabi kanina ni cecile" aniya ko ng makitang walang imik si harvey.

Tumingin siya sakin. "Alam ko naman na ang sagot dun sa sinabi ng kaibigan mo."

"Hah?"

"Hindi ba niligawan kita noon pero nabasted lang ako." ngumiti siya binaling ang paningin sa labas ng bintana. "Kaya hindi na ako umaasang hihigit pa tayo sa pagiging magkaibigan"

"Pasensiya kana kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo" mahinang sabi ko. Sakto namang huminto ang taxi sa harap ng aming bahay.

"Goodnight" habol niya ng makababa ako ng taxi.

Kumaway ako sa kanya. Nang hindi ko na makita ang taxi na aking sinakyan ay pumasok na ako sa loob.

"Mag-iingat ka" pagpasok ko nakita ko si ace na may kausap sa telepono yun lang narinig ko dahil pinatay niya na ito ng marinig ang pagbukas ng pinto.

"Saan ka galing? Anong oras na hah, uwi ba yan ng matinong babae" masama ang tingin nito.

"Bakit nanay ba kita, para magsalita ka ng ganyan" siniringan ko siya.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon