ASHLEY POV'S
Nandito ako ngayon sa barcode pero wala pa si harvey. Kaya naupo muna ako sa may harap ng bartender. Ang ingay dito makakapag-usap ba kami sa gantong lugar. May mga babaeng sumasayaw sa may stage, yung mga lalaki naman ay panay hiyaw. Mga manyak.!! Nang may lumapit saking dalawang lalaki na mukang lasing na lasing na. Nakainom ako kanina pero nawala nung naligo ako.
"Miss sayaw tayo" yaya sakin ng dalawa.
"Sakin sasama yan" sabi ng isa.
"Hindi pare, sakin yan sasama" sabi naman ng isa. Mukhang pinag-aawayan nila ako.
"Para sabihin ko sa inyo, wala akong sasamahan sa inyo" sigaw ko sa kanila.
"Pakipot kapa eh, tara na" sabi ng lasing nilapit pa ang mukha sakin.
Tumayo ako at napaatras sa kanila.
"Tigilan niyo nga ako" sigaw ko. Bakit pa kasi dito naisipan ni harvey makipagkita.
Nagtinginan ang dalawan with tanguan pa. Hinawakan nila ang magkabila kong kamay.
"Bitawan niyo ko" pagpu-pumiglas ko sa dalawa.
"Isasayaw mo lang naman kami, masiyado kang maarte" aniya ng isa. Yung mga tao ay walang pakielam samin.
"Bitawan niyo siya!!!" narinig kong sigaw ni harvey sa likuran ko. Dinakma niya ang dalawang kamay ng lalaki na nakahawak sakin at binato sa kanila. Hinila ako ni harvey papunta sa likod niya. Doon ko napagtanto na kasama niya ang apat niyang kaibigan.
"Harvey pasensiya na di naman namin sinasadya eh" pagmamakaawa ng isa kay harvey.
"Hinawakan niyo kase ang babaeng mahal niya" nakangising sabi ni frank.
"Hindi naman namin alam na girlfriend mo pala yan e," aniya ng isa pa. Hinawakan ang isang hita ni harvey at nagmamakaawa.
Hinawakan ko ang braso ni harvey, tumingin ito sa akin. "Harvey, hayaan mo na sila. Okay lang naman ako" mahinahon na sabi ko.
"Masiyado ka talaga mabait" ngumisi siya sakin.
Binalik ang paningin sa dalawa. "Pasalamat kayo mabait siya" sabi niya sa dalawa kaya lumingon ito sa akin, napayuko ako sa hiya. Kahit wala namang nakakahiya.
"Maraming salamat miss" sabi ng dalawa na akmang hahawakan ako pero pinigilan ni harvey.
"Don't touch her" sabi niya sa dalawa. normal lang ang pagkakasabi niya nun pero bakit natakot sila agad. Si ace naman titingin palang siya tumatakbo na ang kalaban.
"Simula ngayon hindi na kayo pwede dito" duro ni erwin sa dalawa. Nagmadali itong tumakbo palabas.
Naupo nalang ako sa may upuan at napahawak sa dibdib ko. Lumapit sila sa akin.
"Okay kalang ba talaga?" tanong niya ulit.
"Oo, okay lang ako" sabi ko.
"Pasensiya kana ah, pangako hindi na mauulit ang nangyare."sabi ni frank.
"Bakit kanino ba ang bar na ito" nakatingin ako sa kanila.
"Kay ryan itong bar" sagot ni jonas.
"Ah" sabi ko. "Kaya ba dito mo naisipan mag-usap tayo?" baling ko kay harvey.
"Wala naman akong ibang alam na lugar na pwedeng pag-usapan natin eh" napapakamot sa kaniyang ulo.
"Ang dami kayang lugar. Tsaka ang ingay-ingay dito baka hindi rin tayo magka-intindihan" paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...
