Narito kami ngayon sa room. Wala pang teacher 'nasa harapan namin sila ace nagtatawanan ang mga kaibigan pero hindi pa rin nila ako kinakausap. Hindi ako sana'y na ganun sila sakin. Napapansin ko rin na pana'y sulyap sakin ni jaxon pero kapag nakikita ko siya ay siya na ang kusang umiiwas.
Hanggang sa matapos ang klase ay wala parin. Nauna nang umuwi si alex sakin dahil may gagawin pa daw siya. Nandito ako sa parking lot hindi ako nagdala ng sasakyan kanina nagcommute lang ako. Magsisimula na sana akong maglakad ng matanawan ko ang grupo nila harvey na palabas ng school gate kaya hinintay ko sila kung papansinin ako pero hindi nagkamali ako.
Para akong tanga nagpa-papansin sa kanila..
"Harvey" huminto siya sa paglalakad ng tawagin ko siya, pero ilang saglit lang ay nagpatuloy siya.
Hinabol ko siya. "Harvey" hinawakan ko ang pinto ng kotse niya bago niya pa ito masara.
"Bakit may kailangan kaba?" feeling ko ang cold nun nung sabihin niya yun.
"Wala" yun lang ang nasabi ko.
"Okay sige kailangan ko nang umuwi" ako na ang kusang umatras. Pinaandar na niya ang sasakyan at kasunod nun ang mga kasama niya.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Pag-uwi ko ay yumakap ako kila mom at dad."Mom,Dad i'm sorry" pumatak nalang ng kusa ang mga luha ko.
"Anak hindi mo kailangan magsorry" hinahagod ni dad ang likod ko.
"Tama ang daddy mo anak hindi mo kailangan magsorry, kami dapat ang magsabi niyan." si mom. Umiling-iling lang ako.
"Itigil niyo muna yang drama na yan, maupo na kayo at kakain na" sabat ni manang na naghahanda ng pagkain sa mesa.
"Si manang talaga" sabi ko. Natawa naman si mom at dad. Umakyat muna ako sa taas para magbihis, bumaba na rin ako pagkatapos.
Tahimik kaming kumakain kaya naman 'ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Mom pwede ko ba malaman kung anong pangalan ng daddy ko?" Tanong ko. Natigilan naman sila,tumingin muna si mom kay dad 'tinanguan naman siya ni dad.
"Jake Pineda" aniya ni mom "ang pangalan ng daddy mo" dagdag niya pa.
"Sabihin niyo po sakin lahat ng hindi ko pa nalalaman" nilingon nila akong dalawa. "Wag po kayong mag-alala, 'handa na po ako" ngiti ko sa kanila.
"Ang kapatid mo sa labas ay lalaki" si mom.
"Ibig sabihin may kuya pala ako" tanong ko.
"Oo anak" ngiti niya.
"Pwede ko bang malaman kung ano pong pangalan niya" Binaba ni mom ang hawak na kutsara at tinidor. Si dad naman ay nakikinig lang sa usapan namin.
"Jaxon Pineda ang pangalan niya" sabi ni mom.
Nabitawan ko ang hawak kong bawak dahilan para mabasa ako. Lumapit si mom at pinunasan ito.
"Sorry po nabitawan ko lang" kinuha ang tissue kay mom at pinunasan ang sarili.
"Sa susunod mag-iingat ka anak" aniya ni dad.
"Opo, mamaya nalang ako magbibihis 'ituloy na po natin ang pagkain" aniya ko. Bumalik na sila sa upuan nila.
Kung ganun si jaxon ang lalaking yun. Siya ang kuya ko..
"Anak okay kalang" bumalik ako sa wisyo ng hawakan ni dad ang balikat ko.
Tumango lang ako. "Kung ganun po isa din siyang gangster tanong ko?"
"Oo anak." sabi ni mom
"Kung ang grupo namin ay black gang , sila jake naman ang totoong daddy mo ay isang knight gang" paliwanag ni dad.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...