ALEX POV'SSobrang saya ko at nagkaayos na kami ni drix at dahil yun sa kaibigan ko. Kung hindi dahil sa kanya siguro ay galit pa rin kami ni drix. Pero ang iniisip ko ay pag nalaman ni drix na nawawala ang binigay niyang aso sa akin na si bruno. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Baka magalit na naman sakin si drix kapag nalaman niyang nawawala si bruno.
Niyaya ako ni drix na kumain sa labas, sinundo niya ako sa bahay.
"Nasaan si bruno?" Tanong niya. Nakaupo siya sa may sofa at hinihintay ako. Napapikit nalang ako.
"Ahh-hhhhhmmm" hindi ko alam ang sasabihin.
"Nasaan siya sweety, gusto kong makita si bruno ang tagal ko na rin siyang hindi nakita" aniya.
"Sweety, kasi--* hindi ko matuloy ang sasabihin, iniisip ko na baka magalit siya sakin.
"Sweety?" Tawag niya.
"Nawawala siya sweety," napayuko ako.
"Ano!" Sigaw niya na gulat. Napatayo sa kinauupuan.
"Pasensiya na, hindi ko alam kung saan siya hahanapin" ngumuso ako ng nakasimangot.
"Kailan pa siya nawawala?" Tanong niya. Lumapit siya sakin.
"Nung nakaraang araw pa" aniya ko.
"Bakit hindi mo sinabi sakin"
"Galit ka kasi sakin sweety"
"Kahit pa! Alam mo naman na mahalaga satin si bruno hindi ba."
"Magagalit ka na naman ba sakin?" Mahinang sabi ko.
Biglang nagbago ang kaninang galit na mukha niya. "Syempre hindi, Pasensiya kana" hinalikan niya ako sa noo.
"Kasalanan ko, hindi ko siya binantayan ng mabuti" aniya ko.
"Hindi mo kasalanan sweety, Hanapin nalang natin siya" aniya. Tumango nalang ako sa kanya.
CAMILLE POV'S
Ilang taon na rin ang nakalipas ng umalis ako ng orphanage. Pumunta ako ng ibang bansa para ituloy ang pag-aaral ko at tuparin ang mga pangarap ko. Ngayon ay isa na akong sikat na model. Kakabalik ko lang ng pilipinas, una kong pinuntahan ang mga batang inalagaan ko sa orphanage. Palagi akong nagpapadala ng tulong sa kanila, hindi ko sila kinakalimutan.
Naisipan kong pumunta sa bahay ni ace. Ngayong isang model at mayaman na rin ako. Magugustuhan na niya kaya ako, gaya ni ashley. Pagpunta ko sa bahay nila ay walang tao, tanging katulong lang ang nakikita ko. Hindi na muna ako tumuloy, dumeretso nalang ako sa mall.
Pagkarating ko sa mall una kong pinuntahan ang dress shop. Nakakatuwa lang dahil mabibili ko na lahat ng damit na gusto ko kahit ilan pa. Pagkatapos ay dumeretso naman ako sa painting shop. Grabe ang gaganda ng mga painting, ngayon lang ako nakakita ng ganito. Sa orphanage kasi hindi kami lumalabas. Kaya kabisado ko na ang kabuuan ng orphanage.
Natuon ang paningin ko sa isang painting kakaiba ito. Maganda ang pagkakagawa. Pag nakikita ko ang painting parang nawawala ang lahat parang gumagaan ang pakiramdam ko.
"Ang ganda hindi ba?" Nangibabaw ang lalaking iyon sa may tabi ko. Nakatuon lang siya sa may painting, ganun nalang din ang pagkamangha niya.
"Oo" mahinang sabi ko.
"Yan po ang pinakasikat na painting samin, nag-iisa nalang po yan" maya-maya aniya ng sales lady na lumapit samin.
"Kukunin ko!" sabay naming sabi ng di ko kilalang lalaki.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...