CHAPTER 49

414 27 1
                                        


   ASHELY POV'S

  Hindi na kami nagtagal sa ospital dahil baka makahalata ang iba. Hinatid ako ni alex pauwi sa bahay.

  Kinaumagahan, pagbaba ko sa sala si ace agad ang bumungad sakin. May hawak siyang sunflower na bulaklak at nakangiting lumapit sakin.

"Good morning baby" aniya sabay abot ng bulaklak.

"Ace" nauutal kong sabi. Hindi ko magawang ngumiti dahil ayokong malaman niya ang sakit ko. Baka hindi ko na makita ang mga ngiti niya gaya ngayon.

"Nabigla kaba, wag kang mag-alala dahil hindi lang yan ang kaya kong ibigay sayo" aniya. Binigyan niya ako ng damping halik sa noo.

"Bakit ang saya mo ngayon, kahapon ang lungkot mo. Pwede ko bang malaman kung anong dahilan?" Tanong ko. Bigla  nalang siyang natigil  , nawala ang ngiti sa kanyang labi.

Pilit siyang ngumiti. "Kalimutan mo na yun baby" aniya.

"Ace, may hindi ka sinasabi sakin" tinagilid niya ang kanyang ulo. Hinawakan ko ang kanyang mukha at pilit iniharap sakin. "Tumingin ka sakin" dagdag ko pa habang hawak ang mukha niya.

Bubuka na sana ang bibig niya ng bigla nalang kaming natigilan pareho ng nabasag ang mga bintana at umitsa ang mga bubog nito sa sahig. Bawat bintana ay may pumasok na mga nakaitim na tao at may hawak itong kanya kanyang baril. Agad akong hinila ni ace papunta sa likuran niya.

"Black gang" narinig kong asik niya.

"Tamang tama ang dating natin, dalawa lang sila. Sigurado akong hindi na sila makakawala" aniya ng isa na mukhang leader dahil kakaiba ang damit nito kumpara sa iba na magkakamukha.

"Anong kailangan niyo" matapang na sabi ni ace. Ayan na naman ang pagiging king niya sa grupo.

"Ang babaeng may asul na mata ang kailangan namin" aniya nito. "Kung ako sayo umalis kana at ibigay ang babaeng yan" turo nito sakin.

"Tsk" sininghalan lang siya ni ace. "Nagpapatawa kaba?" Dagdag pa ni ace.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko" naiinis na na sabi nito.

"Oo, bakit ko naman ibibigay sa inyo ang babaeng ito. Dadaan muna kayo sakin" seryosong sabi ni ace.

"Sa tingin mo ba kaya mo kami." Ngumisi ang leader ng BG(Black Gang).

"Baka nakakalimutan mo, ako ang hari ng mga knight" pagmamayabang ni ace.

"Hindi porket ikaw ang hari ay malakas kana. " Nagtawanan ang mga kasama nito.

"Bakit hindi niyo ko subukan" ngisi ni ace. "Baka hindi ka pa lumulusob, tumba kana" dagdga ni ace.

"Anong sabi mo" napipikon na sabi nito.

"Hindi mo ba naintindihan. Sabi ko lumusob na kayo" aniya ni ace.

"Puro ka yabang" nilusob si ace ng mga tauhan nito. "Patayin niyo yan, wag kayong titigil hanggat humihinga pa siya" utos nito sa mga kasama.

    Habang nilulusob ni ace ang mga BG ay nasalikod niya lang ako. Bawat may gustong lumapit sakin ay agad niyang binibigyan ng suntok at sipa. Hanggang sa mapagod na siya at manghina.

"Kalahati palang ng tauhan ko ang napatumba mo pero mukhang hindi mo na kaya" natatawang sabi ng leader. Pinagmasdan ko ang mga tauhan niya pero lahat ay tumba na, paano niya nasabing kalahati palang ang tauhan niya. Ibig sabihin meron pang iba maliban sa mga ito.

"Kalahati..." hingal na sabi ni ace.

"Oo, dahil hindi lang yan ang tauhan ko hahaha" humalaklak ito.

THE FIVE GANGSTER AND MEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon