CHAPTER 38

440 35 0
                                    


   Pagdating ko papunta ng ospital ay nagkakagulo na naman ang mga babaeng nurse pagpasok ko at kinikilig ang mga ito.

Lumapit ako kay chloe. "anong meron?" Tanong ko.

"Doc. Ashley, nandito kana pala" aniya ni lesley.

"May bago pong Doctor sa ospital" aniya ni chloe.

"Ang gwapo niya po sobra" kinikilig na ani ni lesley.

"Tumigil ka nga lesley" aniya ko. Kaya napaayos siya. "Bumalik na kayo sa mga station niyo" sigaw ko sa mga nurse na nandito.

Humingi ng pasensiya ang mga nurse sa akin. At mabilis na bumalik sa kanilang mga station. Natanawan ko na si Doc. Lorraine at jasper na papunta dito, may kasama silang isang doctor. Siguro ay siya yung sinasabing bagong doctor dito sa ospital.

"Babe, nandito kana pala" aniya ni jasper. Inakbayan ako.

"Doc. Smith, siya nga pala si Doc. Andrew Jones" pakilala sakin ni Doc. Lorraine.

"Hi Doc. Smith, kinagagalak kong makilala ang magandang doctor na katulad mo" aniya. Nilahad ang kanyang kamay. Parang narinig ko na ang boses niya, hindi ko lang matandaan kung kailan.

"Alam ng lahat na maganda ang nobya ko" aniya ni jasper. Mahigpit akong inakbayan padikit sa kanya.

"Nobya mo pala siya, alam mo mas bagay ako sa kanya" aniya ni Doc. Andrew. "Doc. Smith, okay ka lang?" Tanong ni Doc. Andrew.

"Oo, okay lang ako" ngumiti ako.

"Hindi ka kasi nagsasalita" aniya ni Doc. Andrew.

"May naalala lang ako, pasensiya na." Aniya ko.

"Hindi kasi kumakausap ng pangit ang nobya ko" aniya ni jasper. Nginisihan lang siya ni Andrew.

"Hoy jasper, tigilan mo nga ang kakatawag sakin niyan" tinulak ko siya palayo sakin. Bwiset na lalaki na ito, akala mo talaga nobya niya ako.

  Nasa opisina ako dahil ang dami kong inaasikaso na mga dokumento ng pasyente, halos nalilito na ako kung ano ang uunahin ko.

"Kumain ka muna" binaba ni andrew ang tray sa ibabaw ng mesa ko.

Humarap ako sa kanya. "Salamat" aniya ko. Tinuon ulit ang paningin sa harap ng computer.

"Magpahinga ka muna" aniya.

"Hindi uso sa isang doctor ang magpahinga" aniya ko.

"Kaya ka pala nagustuhan ni Doc. jasper, Napakasipag mo" aniya ni andrew.

Nginitian ko nalang siya. Matapos kong ayusin ang mga dokumento ay umuwi na rin ako, naisipan naming apat na pumunta muna sa malapit na bar dito malapit sa ospital na pinapasukan namin.

"Ang ingay naman dito" pasigaw ko. Halos mabingi ako, may mga sumasayaw sa gitna. Ang ilaw ay umiikot at iba-iba ang kulay. Halos madilim.

"Pero masaya naman dito" pasigaw na sabi ni Doc. Lorraine.

Naupo kami sa may sofa, malapit sa bartender. Magkaharapan ang upuan. Umorder si Doc. Andrew ng dalawang beer para sa kanila ni jasper at dalawang wine para naman samin ni Doc. Lorraine.

"Jasper, pwede ko bang yayain sumayaw si ashley" paalam ni andrew dito.

"Hoy, tumigil ka. Alam mo naman na nobya ko siya, bakit siya pa. Pwede namang itong si Doc. Lorraine" turo ni jasper kay Lorraine.

"Seloso kasi siya Doc. Andrew" aniya ni doc. Lorraine.

"Wag na nga tayong magtawagan ng Doc. wala naman tayo sa ospital" aniya ni andrew, nagtawanan nalang kami.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon