ACE POV'S
"Patay na siya..." aniya ni harvey, nagsimula ng mamuo ang mga luha sa mga mata ko.
"Ano bang sinasabi mo diyan harvey." pilit na ngiting sabi ko.
"Kung nagbibiro ka, hindi magandang biro yan." seryosong sabi ni ryan.
"Totoo naman ang sinasabi niya diba? patay na si canon?" aniya ni Jonas.
"Ano bang pinagsasabi mo?" inis na sabi ni frank.
"Sandali nga, nalilito ako." awat ko sa kanila. Muli akong bumaling kay Harvey. "Ang sinasabi mo bang patay na ay si canon?" aniya ko.
Tumango lamang ito. "Bakit ano ba ang akala niyo?" tanong saming tatlo ni harvey.
"Si Ashley." aniya ng tatlo.
"Kung si ashley ang patay sa tingin niyo ba makakausap niyo pa si harvey." aniya ni frank. Tumingin ito sa akin. "Pasensya na." dagdag nito.
"Nasaan na siya." tanong ko.
"Nasa ER parin siya." aniya ni harvey.
Tumakbo na ako papunta sa ER sumilip ako sa may salamin at nakita ko ang walang malay na si ashley. Mas nalungkot ako kapag naaalala ko ang mga nangyare, Lalo na nakahiga siya rito ng dahil sakin. Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang maga luha sa mata ko, kaya yumuko ako para hindi nila makita na umiiyak ako.
Naramdaman ko nalang na may tumapik sa balikat ko. "Magiging okay din siya."
Tinignan ko si harvey. alam kong pilit ang mga ngiti niyang nakatingin kay ashley. "Sana nga." pinunasan ko ang luha ko.
"Hindi bagay sayong umiyak ace haha" pang-aaasar ni harvey.
"Hinihingi ko ba ang opinyon mo. tsk." pagsusungit ko.
"Pinapatawa lang kita." seryosong aniya.
"Sa tingin mo ba kailangan kong maging masaya kahit na alam kong nandito siya at hindi ko alam kung kailan siya magigising." aniya ko.
"Kahit na mahirap ngumiti kailangan mo pa rin gawin. dahil ayaw ni ashley ng nalulungkot ka." paliwanag nito, nilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa.
"Anong ibig mong sabihin?." tanong ko. nag-usap ba sila ni ashley tungkol sakin.
"Nakikita ko kasi sa mga mukha ni ashley na masaya siya kapag kasama ka. Kaya alam kong kapag nalungkot ka, siya ang mas malulungkot sa inyong dalawa." matapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon ay naglakad siya palayo. "Siya nga pala bibili muna ako ng inumin nating lahat." aniya nito at nagpatuloy sa paglalakad.
Natutuwa ako ashley sa mga sinabi ni harvey, kaya sana gumising kana diyan. Marami akong gustong gawin kasama ka. Gusto ko iparamdam sayo na mahal kita araw-araw at wala ng ibang papalit sayo.
ASHLEY POV'S
Pagdilat ng aking mga mata, hindi ko masiyadong maigalaw ang aking mga kamay sobrang sakit ng aking katawan. Kaya tanging ulo ko nalang ang inikot ko.
Paglingon ko ay nakita ko si ace, mahimbing na natutulog. Bigla kong naalala nasaan na ang iba, anong nangyare pagkatapos kong mahulog sa bangin na dapat ay patay na ako ngayon pero nandito ako sa ospital buhay na buhay.
"Natutuwa ako na gising kana." hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si ace. May napansin akong luha kabilang gilid ng mata niya.
Ngumiti ako at nagsalita. "Masaya din ako at nandito ka aking harapan." napayuko nalang ako, doon nawala ang mga ngiti ko at napalitan ng lungkot ng maisip ko sila mommy. Umasa ako na buhay pa sila, umasa ako sa wala.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...