KEVIN POV'SIsang taon na rin ng umalis si ashley dito. Mayroon na rin akong sariling restaurant. Kaya doon ko tinutuon ngayon ang aking sarili.
Nandito kami lahat sa sala dahil pinag-uusapan namin ang kaarawan ni ashley at ng kanyang pagbabalik.
"Excited na akong makita ang kaibigan ko" aniya ni alex.
"Sa tingin ko ay isa na siyang magaling na doktor" aniya ni ethan.
"Ganun din ang nasa isip ko" aniya ko.
Nag-ayos kami ng bahay para sa pagbabalik ngayon ni ashley kasabay ng kaarawan niya.
ASHLEY POV'S
Isang taon din akong nawala, ngayon ay pauwi na ako sa bahay. Nagpapagawa na ako ng sariling bahay at balak kong isunod doon pagkatapos ang ospital.
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay. Napansin kong patay lahat ng ilaw pagdating ko. Hinanap ko ang switch ng ilaw para buksan. Pagpindot ko ng switch ganun nalang ang gulat ko ng makita ang napakaraming bisita.
"Welcome back ashley," aniya nilang lahat.
"Salamat" aniya ko. Yumakap ako sa kanilang lahat. Nilapitan ko isa-isa ang mga bisita at iba't ibang regalo ang aking natatanggap.
Naupo na kami sa mahabang lamesa halos limang daan katao ang kasalo namin sa hapag kainan.
"Napakaganda mong doktora hija," aniya ng isang bisita.
"Hindi naman po" nahihiyang sambit ko.
"Totoong maganda ka hija," aniya ng isa pang bisita.
"Hindi kami makapaniwalang may ganyan kagandang anak si jake" aniya ng isa pa. Nagtawanan ang mga bisita pati na rin kami.
"Tumigil nga kayo" aniya ni daddy sa mga ito.
"Ang tanong ay may nobyo kana ba?" Tanong nila.
Bubuka na sana ang bibig ko ngunit naunahan ako ni master arthur. "Ang totoo niyan ay anak ko ang nobyo niya"
Nagkatinginan kami ni kevin. Napakamot nalang siya sa kanyang ulo.
"Kung ganun si liam pala ang nobyo mo" aniya ng isang bisita.
"Bagay na bagay kayo ng batang yun. Parehas kayo maganda at gwapo" aniya ng isa pa.
Hindi nagtagal ay umalis na rin ang mga bisita kaya kami nalang ang naiwan.
"Nasaan pala si ace," tanong ko kay kuya jaxon. Dahil pagdating ko ay hindi ko pa siya nakikita.
"Isang buwan na namin siyang hindi nakikita, dahil sa dami ng project niya. Halos wala na nga siyang oras para makasama kami" paliwanag ni drix.
"Sabi niya ay uuwi siya ngayon" aniya ni master edward.
"Talaga po." natutuwang sabi ko.
"Oo hija, kailangan niyang umuwi dahil nandito ang fiancee niya" aniya ni master henry.
"Pero hindi nam---" hindi ko natuloy ang sasabihin ng matanawan ko si ace, palapit samin.
"Nahuli na ata ako" aniya ng makalapit samin.
"Maupo ka hijo" aniya ni daddy.
"May kasama pala ako" aniya ni ace. Pumasok mula sa pinto si lexi. Kumirot nalang ang puso ko sa nakita kong pag-alalay ni ace kay lexi paupo.
"Magandang gabi po sa inyo." Nakangiting bati niya sa masters.
"Magandang gabi din hija," aniya ng masters sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...