ASHLEY POV'S
Tatayo na sana ako ng hawakan ni ace ang kamay ko.
"Ashley" naamoy ko ang hininga niya at amoy alak. Uminom pala siya.
"Bakit" sabi ko. pilit tinatanggal ang kamay niya
"Ang pangit mo"
"What?" Galit na sabi ko.
Natawa siya sa itusra. "Pero kahit ganun" pinutol ang sinabi.
"Ano?" Angil ko.
"Ashley Smith gusto kong malaman mo na mah----" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng bigla siyang nakatulog.
ano naman kaya ang sasabihin na kailangan kong malaman. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang isang ito.
***
Maaga akong nagising para magluto, wala lang gusto ko lang. Naalala ko nung nagpunta kami ng palawan para sa charity. Sobrang nagustuhan nila ang luto ko. Kaya napagdesisyon ko na, gusto ko pang matuto. Kasama ko si mommy sa kusina tinuturuan niya ko ng putaheng hindi ko pa alam.
"Anak, masaya ako at wala kanang ganong iniisip" sabi ni mommy habang naghahalo ng niluluto.
"Opo mommy, kasi dahil yan sa advice niyo" aniya ko. Naghahain ng plato sa mesa.
"Pero anak, wala ka talagang gusto ni isa sa kanilang tatlo" sabi niya. Nagsandok ng ulam sa kaldero.
"Wala po akong maramdaman sa kanila mommy" sabi ko.
"Siguro dahil may iba kang gusto"
"Hah? Wala po mommy" bigla kong sabi.
Pero parang meron akong hinahanap. Bakit ko ba siya iniisip.
"Bakit namumula ka" pinagtatawanan ako ni mommy.
"Mommy" hinawakan ko ang magkabilang pisngi.
"Mukhang Nagkakatuwaan ang mag-ina ko" sabi ni daddy umakbay samin ni mommy.
"Eto kasing anak natin may nag---" hindi natuloy ang sinasabi ng magsalita ako.
"Mommy" parang batang sabi ko.
"Kawawa naman ang baby girl namin" sabi ni kuya jaxon.
"Kuya, isa ka pa" angil ko pinalo ang braso niya.
"Happy family" sabi ni master arthur.
"Kumain na po tayo" sabi ko. Naupo na sila sa kanya kanyang upuan.
"Ang sarap ng luto mo lucy" sabi ni master henry.
"Actually tinulungan ako ng anak ko magluto" nakangiting sabi ni mommy.
Tumango-tango ang mga masters. "Swerte kana sa asawa mo jake" sabi ni master edward. "Swerte kapa sa anak mo" dagdag niya pa.
"Swerte ka din naman sa anak mo edward" sabi ni daddy.
"Alam ko" si master edward.
"Balita ko ay binasted daw ng anak mo si kevin" aniya ni master kyle.
"Totoo ba iyo ashley" tanong ni daddy sakin.
Tumango ako. "May gusto kasi akong iba." Normal na sabi ko. Bakit ko ba biglang nasabi ito.
"Sino naman?" Tanong ni master henry.
"Ayoko pong sabihin baka lalo siya yumabang" nakangusong sabi ko.
"Ang swerte naman ng lalaki na yan" aniya ni ethan.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...