CHAPTER 47

397 36 1
                                    


    ASHLEY POV'S

"Kumain na tayo" aniya ni kuya jaxon. Kaya natulak ko si ace sa pagkakayakap niya sakin.

"Ganyan kaba mag-alaga ng pasyente" angil ni ace.

"Pasensiya na, hindi ko sinasadya" nakangusong sabi ko.

"Okay lang basta gusto ko araw-araw ka ng ganyan sakin" nakangising aniya.

"Hah?"

"Yung pagiging ganyan mo sakin, ngayon lang kasi ulit kita nakitang mabait sakin" mahinang sabi niya.

"Tumigil kana nga" pinalo ko siya sa braso. "Kumain kana" kinuha ko ang lugaw sa mesa at inabot sa kanya. Nakatingin lang siya sa lugaw. "Hindi mo mauubos yan, kung tititigan mo lang yan" dagdag ko. Nakatingin sa kanya.

"Subuan mo ako" nakangiting aniya labas ang mapuputing mga ngipin.

"Ano?" Angil ko.

"Subuan mo ko baby," nakangusong aniya na parang bata.

"Ace..." Naiinis na sabi ko.

"Kanina ang sweet mo. Ngayon napakasungit mo na naman sakin" pasiring niya. "May sakit na nga yung tao, ganyan kapa" mahinag bulong niya. Pero narinig ko yun.

Bumuntong hininga ako. "Okay, sige na" sumandok ako ng lugaw at sinubo sa kanya.

    Isang linggo rin kaming nasa ospital hinintay namin maghilom ang mga sugat na natamo ni ace bago kami umuwi. Nandito kami ngayon sa bahay , gusto akong makausap ng mga kaibigan ko. Dahil sa nangyari, alam kong natatakot sila na baka maulit pa ang mga nangyari. Ayoko mang sabihin na hindi na mangyayari iyon pero wala akong kasiguraduhan lalo na at buhay pa sila at hindi parin nagpapakita si canon samin.

Nakaupo kami sa mesa lahat ng sila ay nakatingin sakin mukhang naghihintay ng sasabihin ko sa nangyari.

"Pasensiya na kayong lahat, dahil sa akin nadamay pa kayo. Ako ang pakay nila kasi hindi ako normal. Hindi ko makontrol ang sarili ko kapag nagagalit ako, nag-iiba ang katauhan ko. Magalit kayo sakin kung gusto niyo, layuan niyo ko kung gusto niyo dahil naiintindihan ko kung bakit niyo gagawin yun" paliwanag ko habang nakayuko.

"Ashley, ano ba yang sinasabi mo" aniya ni lorraine. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakangiti na siya.

"Magkakaibigan tayo, kaya kahit ano man ang nalaman namin tungkol sayo. Tanggap ka namin." aniya ni camille.

"Tama, ganyan ang magkakaibigan" aniya ni chloe.

"Salamat sa inyo" naiiyak na sabi ko. Hindi ko maiwasan ang maiiyak dahil nakakaiyak naman talaga ang sinabi nila.

"Sinabi na samin lahat nila drix at alex ang tungkol sa inyo." Aniya ni lesley.

"Salamat talaga sa inyo" tumayo sila at pumunta sakin binigyan nila ako ng mahigpit yakap.

---*

   Kinabukasan pagbaba ko sa kwarto nadatnan ko agad si ace sa may sala na umiinom ng kape.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong sabi.

"Ihahatid kita" aniya. Tumayo at lumapit sakin.

Umatras ako. Tinakpan ko ang bibig ko. Hindi pa kasi ako nagsesepilyo. "Lumayo ka nga" angil ko.

"Gusto ko lang pagmasdan ang mukha mo" aniya.

"Ewan ko sayo. Magsesepilyo lang ako." Patakbo akong bumalik paakyat sa kwarto.

   Tumuloy agad ako sa banyo at nagsepilyo, naligo na rin ako. Pagkatapos ko ay bumaba na ako. Pero wala na roon si ace. Lumaylay nalang ang balikat ko.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon