ASHLEY POV'S
"Kuya jaxon ang dami naman nito" angil ko. Paglapag ng pagkain.
"Ubusin mo yan, kita mo payat kana nga 'mas lalo ka pang pumayat" pinisil ang braso ko.
Walang akong nagawa kundi ubusin ang pagkain na kinuha niya para sa akin.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas muna ako ng court para magpahangin.
"Grabe busog na busog ako" kausap ang sarili habang hawak ang tiyan.
Nakita ko si ace at kevin sa may gilid ng puna, parang seryoso ang kanilang pinag-uusapan,kaya naman lumapit ako sa kanila.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.
Nagulat sila ng makita nila akong sumulpot sa harap nila. Para silang nakakita ng multo, nakakatawa ang mga mukha nila. Hindi nila napansin ang paglapit ko dahil masiyado atang seryoso ang pinag-uusapan nila.
"Kanina ka pa ba jan?" tanong ni kevin. Si ace naman nakapamulsa lang walang pakielam sa presensiya ko.
"Kakarating ko lang, napansin ko kasing seryoso ang pinag-uusapan niyo" sabi ko. "May problema ba?" Tanong ko dahil ang mukha nila ay di maipinta.
"Wala" ngumiti si kevin. "Tara na pumasok na tayo sa loob" yaya niya sakin.
Nagpahila nalang ako sa kanya papasok sa court, kasunod naman namin si ace. Nakayuko lang siya.
"Kanina pa namin kayo hinahanap" tanong ni ethan sa kaibigan.
Tumingin ako sa dalawa na seryoso na naman. Ano bang problema ng dalawang ito. Ano kaya pinag-usapan nila at ganun nalang ang mga itsura nila.
"Ashley sayaw naman tayo" aniya ni jonas. Tumayo siya sa kinauupuan at inalalayan ako papunta sa gitna.
Habang nag-sasayaw kami ay di niya mapigilan tumingin sa gilid ko. Tumingin ako sa gilid ko. Nakita ko ang dalawang bruha nagtatawanan.
Tinapik ko ang balikat niya. "Sino tinitignan mo?" Tanong ko.
"Wala" masungit na sabi niya.
"Sino sa kanila ang gusto mo hah" nang-aasar na tinig ko.
"Hindi ko magu-gustuhan ang kagaya nila" angil ni jonas.
"Talaga ba?" Pang-aasar ko ulit.
"Tara na nga bumalik na tayo" pag-iiba niya ng usapan.
Saktong pagbalik namin sa pwesto ay si sir lax na ang nagsalita sa stage.
"Good evening everyone, Please settle down in a few minutes. I will introduce our handsome & Beautiful special guest"
"Ipakilala niyo na po!" Sigaw ng mga tao sa court.
"Let me introduce to you all, Tristan Scott and Lalaine Garcia is our special guest tonight" narinig ko palang ang pangalan ay bigla nalang akong kinabahan. Napahawak ako sa dibdib ko sunod-sunod ang pagtibok niyon.
Bakit siya nandito, bakit? Bumabalik na naman sakin ang nakaraan. Napansin ko nalang na may pumatak na luha sa aking kamay, doon ko napagtanto na lumuluha na pala ako. Hindi ako makatingin sa harap ng stage dahil alam kong siya ang nagsasalita.
"Sila ang pipili ng ating magiging face of the night at iba pang award , at kung sino ang mapipili ay isasayaw nila" aniya ni sir lax. "Ready na ba kayo manalo?" Sigaw ni sir lax. Naghiyawan ang mga tao sa gym.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomansAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...