CHAPTER 35

420 25 0
                                    


  ASHLEY POV'S

  Nagising ako sa malakas na katok ni yaya mula sa labas ng kwarto ko. Natanawan ko ang bintana na malalim na ang gabi. Napakamot ako ng ulo dahil nakalimutan ko ang kaarawan pala ni jasper ngayon. Nagmadali akong maligo at magbihis hindi na ako naglagay ng kolorete sa mukha liptint at pulbos ay okay na.

   Kinuha ko ang susi sa likod ng pinto at patakbong lumabas ng bahay. Sumakay na ako ng kotse at pinaandar ito papunta sa bahay nila jasper. Pagbaba ko palang sa aking sinasakyan dinig ko na agad ang ingay sa malakas na tugtugin nasisigurado kong lasing na sila.

Doon na ako dumeretso sa pool. Tama nga ang hula ko dahil pagpunta ko palang sa pool ay kalat at mga boteng walang laman ang bumungad sakin. Halos lahat ay nasa pool at naliligo nakita ko si nurse lesley at Doc. Lorraine na nag-iinuman lasing na rin.

Pumunta ako sa gilid ng pool at pinagkrus ang mga kamay. Nakita ko si ace na nakayakap sa kanya si lexi. Natulak ni ace si lexi ng makita ako, kaya tinignan ako ng masamang tingin ni lexi. Aahon na sana si ace pero tinalikuran ko na sila. Naagaw ng tingin ko sila harvey na nag-iinuman sa may gilid kasama sila kuya jaxon. Pero nung lumapit ako ni hindi manlang ako pansinin ni harvey kahit lingunin. Anong problema niya!!! Naiinis na sabi sa isip ko..

  Hindi ko na sila pinansin pa, tumayo ako dahil natuon sa paningin ko si alex na mag-isang umiinom sa gilid. Sa dami ng boteng walang laman sa tabi niya, sigurado akong lasing na siya. Ano bang problema ng mga tao ngayon .. lumapit ako sa kanya kinuha ang boteng tutunggain na sana niya.

"Best, nandito kana pala" lasing na sabi niya halos mapungay na ang mga mata. Isang suntok ko nalang sa babae na ito ay makakatulog na ito.

"Bakit ba nagpapakalasing ka?" Tanong ko. Naupo ako sa tabi niya.

"Syempre, kasiyahan ito best, kaya dapat magpakalunod tayo sa alak" tumawa pa siya na para ng nababaliw.

"Alam ko. Pero dapat yung kaya mo lang ang inumin mo. Hindi yung ganyan ka." Turo ko sa kanyang sarili.

"Best, si drix may babae" nakangusong sabi niya.

"Ano!!! Nambabae siya" sigaw ko. Akmang pupuntahan si drix ngunit hinawakan ni alex ang kamay ko.

"Best, sandali lang." mahinang aniya. "Hindi naman ako sigurado kung babae niya talaga yun" malungkot na sabi niya.

"Best, ano ba talaga" nalilitong sabi ko. "Sabi mo kanina may babae si drix, tapos ngayon hindi ka sigurado?" dagdag ko.

"Kasi nung nakita ko siya na may kasamang babae, sinugod ko agad" aniya ko.

"Ano? Hindi mo manlang muna tinanong kung babae niya ba talaga yun" aniya ko sa kanya.

Umiling siya. "Hindi ko na natanong best, basta ko nalang siya sinabunutan" aniya.

"Kasalanan mo naman pala best" aniya ko.

"Best, anong gagawin ko. Baka makipaghiwalay na sakin si drix" maiiyak na sabi niya.

"Ang gawin mo, suyuin mo siya" utos ko sa kanya.

"Best, paano? E, bawat lapit ko. Siya itong lumalayo sakin" aniya. Sinubsob ang mukha sa mga palad.

"Wag kang mag-alala tutulungan kita" mahinang bulong ko sa tenga niya.

"Ngayon palang, nagpapasalamat na ako at naging kaibigan kita" hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Oo na best" yun nalang ang nasabi ko.

"Dahil diyan, sabayan mo kong uminom" kinuha niya ang isang bote ng alak at tinaas ito.

"Magpakasaya tayo ngayon" pinag-untog namin ang parehas na hawak na bote ng alak.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon