CHAPTER 12

816 43 1
                                        

ASHLEY POV'S

   Habang nagsusulat sa black board si sir lax. Si tristan naman ay kalabit ng kalabit sa likod ko, para siyang bata.

"Pwede ba tigilan mo ang pagkalabit mo jan" mahinag sabi ko. Baka marinig ako ni sir. Lax.

"Ayaw mo kasi akong pansinin" aniya.

"Tristan pwede ba" angil ko.

"Ashley hindi kita titigilan" sabi niya.

"Alam mo mapapagalitan tayo sa ginagawa mo" angil ko.

"Ano naman, lolo ko naman may ari nito" pagyayabang niya.

"Hindi porket lolo mo ang may ari ng school , 'ay gagawin mo lahat ng gusto mo" sabi ko at tinalikuran siya.

"Ashley mag-usap tayo mamaya pagkatapos ng klase"

"Ayoko!"

"Please"

"Ayoko!"

"Saglit lang"

"Gusto mo bang mabugbog na naman"

"Kahit ilang beses pa akong mabugbog, basta makausap lang kita"

"Nakapag-usap na tayo diba, ano pa bang usap ang gusto mo"

"Gusto kong magsimula tayo sa dati"

"Ano ako tanga" sigaw ko.

Humarap si sir lax. "Ashley may problema ba?" Tanong ni sir.

"Wala po sir" napabuntong hininga ako. "Kasalanan mo to" baling ko kay tristan.

"Sorry" malungkot na sabi niya.

"Excuse me sir lax. Pinapatawag si ashley ng dean" aniya ni scarlett.

   Lumabas na ako ng room at dumeretso sa dean's office.

"Good afternoon dean" yumuko ako sa kanya.

"Good morning din president council" nakangiting bati niya.

"Bakit niyo po ako pinatawag?" Tanong ko.

"Pinatawag ko kayo dahil kasama ka sa napili kong magpunta sa palawan"

"Hah, bakit po? Anong gagawin dun?" Sunod-sunod na tanong ko.

Di niya mapigilan matawa. Ang dean ay lolo ni tristan na may ari ng school.

"Dahil meron kaming charity doon para sa mga bata, kailangan ng tao para tumulong"

"Bakit ako po ang napili niyo?" Tanong ko.

"Dahil matalino ka at madaming alam" aniya.

"Hanggang kelan po ba ako dun"

"Isang linggo lang naman" binigay sa akin ang brown envelope.

"Ano po ito?" kinuha ang envelope at binuksan.

"Jan nakasulat ang mga gagawin niyo at ang mga makakasama mo sa palawan" paliwanag ng dean.

"Bukas na po kami agad aalis?" Tanong ko. Kahit nabasa ko na dun.

"Oo bukas na bukas din" aniya. "Kung okay lang" dagdag ng dean.

"Okay lang naman po sakin" pilit ang ngiti ko.

"Wag kang mag-alala dahil kapag maaga kayong natapos pwede na kayong magrelax" sabi ng dean.

"Talaga po?" Di maka-paniwalang sabi ko.
 
Tumango ang dean at nagpaalam na din ako sa kanya. Pagbalik ko ng room ay wala na si sir lax. Kaya pumunta ako sa harap ng black board at nagsi-upuan ang mga kaklase ko, handang makinig sa ano mang sasabihin ko.

THE FIVE GANGSTER AND MEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon