Napapikit ako ng iputok ng lalaki ang baril, pero hindi ako nakaramdam na may dumapo sa akin na bala ng baril. Dinilat ko ang mga mata ko napaupo ako sa sahig ng makita ang lalaki na nakahandusay na sa sahig at may tama ng baril ang ulo nito. Napatingin ako sa aking likuran nandoon si ace, hawak ang baril."A----ace" nauutal kong sabi. Nanginginig ang aking labi.
"Ayos ka lang ?" Tanong niya patakbo siyang lumapit sakin.
Hindi ko siya sinagot sapagkat niyakap ko agad siya. Naiiyak nalang ako dahil sa takot niyakap niya ako pabalik. "Ace, dumating ka." naiiyak kong sabi. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya, halos malukot ko na ang damit niya sa likuran.
"Sinabi ko naman sayo poprotektahan kita, kahit saan ka magpunta nandoon ako para bantayan ka" hinagod niya ako ang aking likuran.
"Ace, alam mo bang natakot ako. Akala ko hindi kana dadating, akala ko nilayuan mo na talaga ako. Akala ko iniwan mo na ako at akala ko dito na ako mamamatay" naiiyak kong sabi.
"Ibig sabihin ayaw mo talagang lumayo ako?" Tanong niya.
"Oo, sinabi ko lang na layuan mo ako dahil kay lexi ayokong makagulo sa inyo" aniya ko.
"Noon pa man, hindi ka nakigulo samin, siya ang sumira satin" pinunasan ni ace ang mga luha sa mata ko. "Tandaan mo nandito lang ako palagi sa tabi mo, hindi kita iiwan. Kahit na layuan mo ako, susundan pa rin kita" dagdag ni ace.
"Maraming salamat dahil niligtas mo na naman ako" aniya ko.
Tipid siyang ngumiti. "Niligtas kita dahil yun ang gusto ko at mahal kita ashley, mahal na mahal." aniya. Ngiti lang ang naibigay ko sa kanya. "Naiintindihan ko kung hindi na ako ang mahal mo" tipid siyang ngumiti.
Mahal kita ace, hindi nagbago yun. Pero bakit ganito hindi ko masabi sa kanya na mahal ko siya.
"Ace, umuwi na tayo" aniya ko.
Tumango siya. "Sige."
Nakatingin lang ako sa bintana habang nasa biyahe kami. Napapansin ko rin na panay ang sulyap sakin ni ace. Pagdating sa bahay ay kusa na akong lumabas ng kotse, deretso ako papasok sa loob. Hindi ko na hinintay pa si ace. Paakyat na ako ng hagdan ng tawagin ako ni ace.
"Ashley, okay ka lang ba?" Tanong niya.
"Oo ace, gusto ko nang magpahinga" mahinang sabi ko. "Maraming salamat ulit" ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy paakyat papunta sa may kwarto.
ALEX POV'SIlang linggo na hindi ako kinakausap ni drix. Nagkikita kami pero wala kaming kibuan. Galit parin siya sa nangyare, sa tutuusin kasalanan ko naman talaga dahil hindi ko muna inalam ang totoo basta nalang ako sumugod. Masiyado yata akong naging selosa hindi ko na inintindi ang nararamdaman ni drix, sarili ko lang ang iniisip ko.
Pumunta ako sa bahay nila ace, dahil doon nakatira si drix. Pagpasok ko sa loob ay tahimik, parang walang tao. Nakaamoy ako ng mabangong pagkain sa may kusina kaya nagpunta ako doon. Nagulat ako ng makita sila doon, kumakain, halatang kakagising lang dahil sobrang gulo ng mga buhok nila at nakasuot pa ng pangtulog.
"Alex, nandito ka pala" aniya ni ethan.
"Hindi ka manlang kumatok" angil ni jaxon.
"Kanina pa kasi ako kumakatok, walang nagbubukas. Kaya ako nalang ang nagkusa" aniya ko.
Hindi nila ako sinagot, nagtatakbo silang tatlo sa taas. Nahiya ata sila dahil sa itsura nila. Mga gwapo pa din naman sila kahit bagong gising. Naiwan si drix sa may kusina patuloy ang pagkain, hindi niya pinapansin ang presensiya ko. Wala dito si ace, dahil kila ashley yata siya natulog.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomantizmAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...