ASHLEY POV'SNagpunta kami ni ace sa may terrace. Naupo kami sa may hagdan sabay naming pinagmasdan ang kalangitan at ang buwan na may nakakasilaw na liwanag.
"Alam mo ba kapag pinagmamasdan ko ang kalangitan. Parang kasama na kita" aniya ni ace. Tinignan ko siya, ngunit ang paningin niya ay nakatingin sa kalangitan.
Hindi ko inaakala na parehas pala kami ng ginagawa.
Narinig ko ang pag-ngisi niya. "Naisip ko lang, hindi pala maganda ang unang nating pagkikita" aniya.
Ngumuso ako. "Talagang hindi!" angil ko. "Alam mo bang natakot ako sayo nung una kitang makita" dagdag ko pa.
"Bakit naman?" Tanong niya. Tumingin sakin.
"Sino ba naman hindi matatakot sayo, lalo na yung ginawa mo nun sa babaeng may hawak ng kape na tinapunan ka" aniya ko.
"Sinong hindi magagalit E, ang tanga-tanga niya" angil niya.
"Oo na, kalimutan nalang natin yung nangyari dati" aniya ko.
"Pwede naman tayong magsimula" mahinang aniya sabay ngumiti.
"Magsimula?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo" tumayo siya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Seryoso na ang mukha niya. "Hi miss, Ace Liam Maurer nga pala" nilahad niya ang kamay niya sakin ng nakangiti.
Nagkrus ako ng mga kamay at ngumiti. "Ashley Smith" inabot ko ang kamay niyang nakalahad sa akin, hinila niya ako patayo.
"Tatanungin kita" panimula niya. "Pwede ba kitang ligawan?" Dagdag niya.
Kakasabi ko lang kanina na manligaw muna siya pero bakit ngayon natutulala ako.
"Ash..." Tawag ni ace.
"Pasensiya na" bumalik ako sa huwisyo.
"Liligawan kita, gaya ng sabi mo. Okay lang ba?" Tanong niya na naman.
"Ace" aniya ko pero walang lumalabas na salita mula sa bibig ko.
Ngumiti siya. "Alam ko naman E," aniya niya.
"Ang alin?" Tanong ko.
"Na si jasper na talaga ang mahal mo at hindi na ako" aniya.
Hindi totoo yan ace, dahil simula palang na minahal kita. Ikaw na talaga at wala ng pumalit sayo dito sa puso ko...
"Salamat sa pagpunta mo" aniya, tinalikuran ako. Hahakbang na sana siya palakad pero nagsalita ako, kaya napahinto siya.
"Wala na kami" mahinang sabi ko ng nakayuko.
"Anong sabi mo?" Humarap siya sakin.
"Hiwalay na kami ni jasper." Dagdag ko.
Nakita ko ang pangisi ni ace. "Alam ko." Aniya.
Nanlaki ang mata ko habang napamaang. "Pa--a--n--o--" nauutal kong sabi.
"Naalala mo ba nung pumunta ko sa bahay mo para dalawin si ashie" aniya.
"Oo" sagot ko agad.
"Nung oras na yun, alam kong pupunta si jasper dun"
"Ano!?" Sigaw ko.
"Nung gabi, bago ako pumunta sa bahay mo nag-usap na kami ni jasper. Sanabi niya na talo na siya na ako na ang panalo sa puso mo, dahil ako naman talaga ang mahal mo" paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...