CHAPTER 18

507 36 0
                                    

ASHLEY POV'S

Tanghali na ng magising ako. Sumulyap pa ako sa couch slkung saan natulog si ace kagabi pero ngayon ay wala na siya dun. Lumaylay ang balikat ko 'namimiss ko na siya. Yung palagi kaming magkasama.

Naglagay na ako ng mga gamit sa bag at nagdala rin ako ng sobrang damit. Pagdating ko sa hospital ay nandoon na si jasper sa labas halatang kakarating lang din. Lumapit ako sa kanya nang maramdaman ang presensiya ko ay humarap siya sakin ng nakangiti.

"Good mood ka ngayon huh?" Pabiro ko.

"Lagi naman akong good mood" masayang aniya.

Naglakad na kami papasok sa hospital.

"Nandito na pala kayo" aniya ni doc.

"Opo doc. Pwede bang kumain muna ako" aniya ko hinihimas ang tiyan.

"Hindi ka na naman nagbreakfast?" Asik ni jasper.

Umiling ako. "Oo" ngiwi ko. "Mabilis lang ako." Aniya ko.

"Okay" sabi ni doc.

"Sige po" dumeretso na ako sa canteen.

Pagkaorder ko ay tuloy-tuloy ang pagsubo ko.

"Tubig, Baka mabulunan ka" lapag ng inumin sa mesa.

"Salamat" kinuha ko ang tubig at ininom ito.

Pagkatapos kumain ay dumeretso na kami sa hospital hall , naduon na ang lahat kami nalang ang kulang.

"Tapos kana kumain?" Tanong ni doc.

"Opo doc" nahihiyang sabi ko.

"Tara sumakay na tayo sa Van" aniya.

Sumakay na kami sa van. Habang nasa biyahe nakatingin lang ako sa labas nang bintana. Ang ganda ng nakikita kong tanawin sa labas.
Pagkarating namin sa lugar ay may binalita si doc. Sa aming lahat.

"Guys sorry hindi na daw tuloy ang seminar next month na daw" nanduon ang panghihinayang ni doc aaron. Lumapit ito sa amin. "Sorry mukhang pumunta tayo sa wala" aniya ni doc aaron.

"Okay lang po doc." Aniya ni jasper.

"Kahit hindi po natuloy, nakakita naman ako ng magandang tanawin" natutuwang sabi ko.

"Tama ka maganda nga dito" bumaling si doc aaron sa paligid.

Lumapit sa amin si nurse joanne.

"Doc nasiraan tayo" sabi ni joanne.

"Ano?" Sigaw ni doc. "Anong gagawin natin?" Nasapo niya ang kanyang ulo.

Buti nalang may mga dalang tent at mga gamit na pangtulog ang iba. Kaya swerte pa rin kami kahit pa-paano.
Nang magdilim na ay tinext ko si mommy na hindi ako makakauwi dahil nagkaroon ng kunting problema.

Nakaupo kami ngayon sa punong kahoy, nakatapat sa bonfire.

Yakap-yakap ang aking sarili. Kahit na nakaharap kami sa apoy giniginaw pa rin ako.

"Giniginaw ka?" Tanong ni jasper.

"Obvious naman diba" pagtataray ko.

"Tsk" singhal niya. Naalala ko tuloy si ace, yung magic word niya.

Tinanggal ni jasper ang suot na jacket at pinatong iyon sa balikat ko.

"Hindi kaba giginawin niyan?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi ayos lang ako" nakangiting aniya.

"Gusto ko ng umuwi" malungkot na tinig ko.

"Bukas uuwi na tayo" aniya.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon