CAMILLE POV'SBuong araw akong nakasunod kay harvey. Pero hindi niya alam na nakasunod ako sa kanya dahil bawat lingon niya ay nagtatago ako. Pumasok siya sa may isang bar. Pagpasok ko halos mapatakip ako sa aking tenga dahil sa nakakabinging ingay at may sayawan pa sa gitna. Nahihilo ako sa mga ilaw na paikot-ikot. Medyo madilim ang paligid. Nakita ko agad si harvey nasa may harap siya ng bartender nakaupo at umiinom ng alak. Pumwesto ako sa tabi niya pero nakatalikod ako para hindi niya ako makita.
"Wag ka nang magtago" narinig kong sabi ni harvey.
Humarap ako sa kanya. Pero nasa alak lang ang kanyang paningin. "Hahaha" nauutal na tawa ko.
"Buong araw mo akong sinusundan" aniya. "Bakit?" Humarap siya sakin.
"Kasi..." Hindi ko alam kung anong ang isasagot. Hindi ko pwedeng sabihin na sinusundan kita kasi mahal kita...
Nakita kong laghukin niya ang hawak na alak ng hindi ako makasagot. "Bakit hindi niya ako magustuhan" maya'maya ay sabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya, nakikinig habang nagsasalita.
"Sino bang tinutukoy mo?" Kunwaring hindi ko alam ang sinasabi.
"Si ashley, akala ko magugustuhan niya ako. Pero naunahan pa ako ni jasper" lumaghok ulit siya ng alak.
"Siguro ay hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sayo" aniya ko.
"Oo, kaibigan lang ang turing niya sakin at hanggang dun lang. Ako lang naman itong umaasang hihigit pa doon" umiiling iling siya, habang pinaglalaruan ang baso ng alak na may yelo.
"Pwede ko bang malaman kung anong nagustuhan mo kay ashley?" Tanong ko. Gagawin ko ang lahat para magustuhan niya ako. Kung kailangang gayahin ko ang katauhan ni ashley, gagawin ko.
"Unang kita ko palang sa kanya, gusto ko na siya. Siya nga ang first love ko, pero yun nga lang hindi niya ako gusto. Lahat ng mabuting katangian ng isang babae kay ashley ko lang nakikita" paliwanag niya.
"Pero hindi ka naman niya gusto, bakit mo pa pinipilit ang sarili mo sa kanya" aniya ko.
"Dahil hanggang ngayon umaasa parin ako na magugustuhan niya ako"
"Pero harvey, marami pa naman diyang iba."
"Alam ko, pero si ashley lang ang gusto ko. Wala akong hinahangad na iba, kung hindi siya lang" aniya.
"Pilit ka lang masasaktan sa ginagawa mo"
Nag-angat siya ng tingin sakin. "Nagiging tanga ako pagdating sa kanya" aniya.
Ganun din ako harvey, nagiging tanga ako. Kapag nakikita kitang ganyan nalulungkot ako. Gusto kitang yakapin kung alam mo lang. Kung pwede lang maging si ashley, ginawa ko na, para hindi na kita makitang nahihirapan ng ganyan.
"Alam mo lahat ng lugar na kasama ko siya, pinuntahan ko. Gusto kong balikan lahat ng ala-ala namin." Nangingiting sabi niya.
"Harvey..." yun nalang ang nasagot ko.
Dahan-dahan siyang lumapit sakin. Hahalikan niya ba ako. Pinikit ko ang aking mga mata. Ngunit wala akong naramdaman na dumampi sa mga labi ko. Akala ko ay hahalikan niya ako, dinilat ko ang mga mata ko. Nagulat ako ng nakasubsob na si harvey sa mesa at nahahalata kong nakatulog sa kalasingan.
ASHLEY POV'S
Nang makauwi kami ng ospital nandoon pa rin ang lungkot sa mga mata ni ace. Tahimik lang siya sa buong biyahe at walang imik. Pinasunog na namin ang katawan ni Master arthur at bukas ay kailangan naming itapon sa dagat ang kanyang abo dahil ganun ang batas nila. Gaya ng ginawa sa abo ni daddy tinapon din iyon sa dagat pero ang kay mommy ay nakatabi.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...