ASHLEY POV'SPagmulat ng aking mga mata pumatak ang luhang namuo sa aking mga mata.
Ace ... nasaan na kayo, bakit hindi pa kayo bumabalik . ano na bang nangyare sa inyo.
Isang buwan rin akong nandito sa ospital. Halos tuliro ako kakaisip kung nasaan na sila, walang oras na hindi ko sila iniisip. Sobra na ang pag-aalala ko sa kanila. Ngayon ang araw na lalabas ako ng ospital. Buti nalang at sinamahan ako ni chloe pauwi ng bahay, pagkatapos ay umalis na rin siya.
Hindi ko na makilala ang bahay dahil sa dami ng alikabok at sapot. Pero mas nagulat ako ng may makita ako ng bakas ng paa sa may sahig. Mabilis akong kinabahan, naglakad ako at sinundan ang mga bakas. Papunta ang bakas sa kwarto ko. Nakahinto ako sa pinto ng aking kwarto, marahan kong inabot ang kandado at pinihit ito pabukas. Pagbukas ko ay nagmadali akong tumakbo ng makita ko si frank na nakapumpasay sa may sahig.
"Frank!" tawag ko sa kanya. "Frank, gumising ka" niyugyog ko siya. " Frank, gumising ka. Anong nangyare" pag-uulit ko.
Nakita kong gumalaw ang isang daliri niya kasunod nun ang pagdilat ng kanyang mga mata. "Ashley..." Nahihirapan niyang sabi. Puro benda ang kanyang braso halatang tumakas siya sa ospital.
"Anong ginagawa mo dito? Paano ka napunta dito? Nasaan na ang iba?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Hindi na tumigil ang kaba sa aking dibdib.
"Ashley, hindi ito ang tamang oras. Kailangan mong pigilan si harvey" aniya hinawakan niya ako sa braso.
"Ano bang sinasabi mo frank" nalilito kong tanong.
"Ashley, pumunta siya sa mga bloody gang. Upang tulungan ang mga knight at iligtas ang mga kaibigan namin. Ngunit baka mas lalo siyang mapahamak...." Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng kusang bumagsak si frank sa sahig.
"Frank!!!" Tawag ko sa kanya. Kinapa ko ang kanyang pulsuhan. Humihinga pa naman siya. Nawalan lang siya ng malay.
Tumawag ako ng ambulansya upang ipakuha si frank dito. Sinigurado kong hindi na siya makakatakas ng ospital. Ayoko siyang mapahamak dahil para sakin isa ko na siyang matalik na kaibigan.
Pagkaalis ng ambulansiya na kumuha kay frank, ay pabagsak akong naupo sa may sofa sa may sala. nilamukos ko ang aking mukha, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natatakot akong may mangyaring masama sa mga kasama ko. Dahil hanggang ngayon,hindi ko alam kung nasaan ang mga master, kung saan sila dinala ng mga bloody gang.
Siguro ito na ang tamang oras para ako naman ang magligtas sa kanila. Hindi na ako papayag na mapahamak kayo ng dahil sakin.
Pumunta ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Pag harap ko sa salamin daig ko pa ang ninja dahil puro itim ang suot ko. ang nakatakip ang buo ulo ko, tanging mga mata ko lang ang makikita. kinuha ko ang espada at sinabit sa aking likuran. kumuha din ako ng pana at baril.
Makalipas ang sampung minuto. Nakarating na rin ako sa hardin ng mga bloody gang. Nandito na naman ang natatakot kong pakiramdam, nagtataasan ang aking mga balahibo. Payuko akong naglakad patago sa halamanan ng may makita akong parating na dalawang lalaki. Malaki ang mansyon ng mga bloody gang kaya mukhang mahihirapan akong hanapin sila. "Ace nasaan kana ba" tanging yan nalang ang nasabi ko sa aking isip habang nakatanaw sa bawat bintana ng mansyon ng mga bloody gang.
Pumunta ako sa may likuran at naghukay ako hindi naman ganun kalalim yun. nilagyan ko iyon ng lambat at pinatungan ng mga dahon upang hindi nila mahalata. Ilang sandali ay pumulot ako ng bato upang ibato sa dalawang lalaking naglalakad. Natamaan ang isa sa may batok napahawak siya sa parte kung saan siya natamaan, nang makita nila ako ay agad akong tumakbo patago sa may likod ng puno.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomansaAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...