Pagkatapos ng klase ay dumeretso na ako sa parking lot kasama ko si alex dahil ayokong makasabay ang limang bwiset dahil baka kung ano ano nanaman ang sabihin sakin ng mga estudyante.
Pero may lumapit samin na dalawang babae. Basta nalang akong sinabunutan ng isa.
"Hoy bitawan mo nga ako" sigaw ko rito,pilit na tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko.
"Malandi ka" sigaw nito sakin.
"Hoy bitawan niyo ang kaibigan ko" sinigawan ito ni alex.
"Wag kang makialam dito" sabi ng isa.
"At bakit hindi ako makikialam eh kaibigan ko lang naman ang inaapi niyo" matapang na aniya ni alex.
Binitawan naman ako ng babae. Tinitigan ako mula paa hanggang ulo.
"Hoy kayong dalawa kilalanin niyo ang kinakalaban niyo" duro ng babae samin.
"Ikaw ang unang sumugod dito, wala kaming ginagawa sayo" aniya ko.
"Sino ba kayo para sugurin si ashley ng ganun nalang" naiinis na tanong ni ashley.
"Nathalia dixon ako lang naman ang ex-girlfriend ni kevin" nagmamayabang na aniya.
Ano naman kung ex ka niya. Ipagmayabang mo pa.
"At ako si scarlett carson magkaibigan kami at ex ako ni hendrix" Aniya at inirapan pa kami.
"Hahaha" nagulat ako sa tawa ni alex.
"bakit ka tumatawa jan" nagtataka kong tanong.
"Why are you laughing?" Gigil na tugon nilang dalawa.
"Alam niyo bagay talaga kayong magbestfriend parehas kayong baliw" aniya ni alex,tumawa pa.
"Let's go scarlett" naiiritang tugon ni nathalia sa kaibigan.
"We are not done yet" turo samin ni scarlett.
Nagtawanan kami ni alex dahil sa itsura nang dalawa. Nang dumating ang kanyang sundo 'nagpaalam muna ito bago sumakay. Gaya ng dati mag-isa na naman akong naghihintay sa park. Pero makalipas ang isang oras na paghihintay dumating na si manong driver.
Pagkauwi ko ay umakyat muna ako sa taas, sa pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Nagising ako sa tawag ni mommy sa telepono agad ko itong sinagot.
"Hoy hija kanina pa ko tumatawag bakit di mo sinasagot" sigaw ni mommy sa kabilang linya kaya medyo nilayo ko ang cellphone sa tenga ko.
"Sorry mommy kagigising ko lang" tugon ko.
"Uuwi kami bukas ng daddy mo"
"Hah talaga po?" natutuwang tanong ko. Dahil isang taon narin nung huli kaming magkita ni mommy.
"Oo, namimiss kana rin namin ng daddy mo"
"Miss ko na rin po kayo"
"Sige hija ibababa ko na, kumain kana at magpahinga okay"
"Opo mommy sige ingat po kayo jan"
Binaba ko na ang telepono. Binuksan ko ang bintana upang lumanghap muna ng hangin 'nang may makita akong dalawang lalaki sa harap ng bahay na parang nagmamasid nakasumbrelo sila kaya hindi ko makita ang muka nila.
Kaya naman dagli akong bumaba, dumaan ako sa likod para hindi nila ako mapansin. Nakita ko ang kahoy sa gilid ng pinto kaya kinuha ko ito, tumalon ako ng dahan dahan sa bakod 'ngayon nasa harapan ko na sila nakamasid sa aming bahay, kaya lumakad ako ng tahimik.
"You two, who you are" sigaw ko sa mga ito. Humarap sila sa akin.
"Hello miss cute transferee" aniya ni hendrix tinanggal ang cap pati narin si kevin.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
Storie d'AmoreAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...
