CHAPTER 41

426 30 1
                                    


    ACE POV'S

"Master, galit na galit sa atin si ashley" aniya ni drix.

"Pasensiya na, nadamay pa kayo" aniya ni master arthur.

"Anong gagawin natin, baka mas lalong mapahamak si ashley" aniya ni kevin.

"Hindi ko akalain na malalaman niya ng ganung kabilis, dapat mas nag-ingat tayo" aniya ni master edward.

"Ako na ang bahala sa kanya" aniya ko.

"Ace, paano naman? Kung sayo nga ay galit din siya" aniya ni ethan.

"Pwede ko naman siyang bantayan ng palihim" aniya ko.

"Tama si ace," aniya ni master kyle.

"Kailangan natin siyang protektahan, yan lamang ang hiling ni jake" aniya ni master edward.

---*

   Kinabukasan, pumunta kaming lima sa bahay ni ashley. Ganun nalang ang gulat namin ng makita ang maraming bantay sa labas ng bahay niya. Lumapit si jaxon sa bantay na nasa gate.

"Papasukin mo kami, kapatid ako ni ashley" aniya ni jaxon.

"Pasensiya na, pero ang utos ni ma'am ashley. Wag kaming magpapasok ng kahit sino. Kahit kapamilya niya pa" aniya ng bantay.

"Anong gagawin natin" aniya ni jaxon samin.

"May naisip akong plano" aniya ko.

   Habang abala sila kevin sa pang-aaliw sa bantay, kami naman ni jaxon ay umakyat sa gilid ng bahay papunta sa kwarto ni ashley. Kahit mahirap umakyat dahil walang kakapitan ay pinilit namin. Kailangan naming makausap si ashley.

  Nang makaayat kami sa may balcony ng kwarto niya. Binuksan ko ang slidding door, ngunit nakalock ito.

ASHELY POV'S

   Nakahiga ako sa kama. Katabi ko si ashie at kinakausap ito. Para akong tanga na nakikipag-usap sa isang pusa.

"Ashie, niloko nila ako" nakatingin ako sa may kisama. "Wala na ang taong mahalaga sakin, lahat sila nawala na. Wala manlang akong nagawa, para iligtas sila." mahinang sabi ko.

Tumagilid ako at humarap kay ashie na ngayon ay dinidilaan ang kanyang buntot. "Kung nakakapagsalita ka lang sana, hindi ako mukhang tanga ngayon na nagsasalita mag-isa" hinagod ko ang balahibo ni ashie.

  Bumangon ako ng may makita akong dalawang anino sa may balcony. Nakakurtina kasi kaya hindi ko makita. Tumayo ako, kinuha ko muna ang baril sa may drawer. tsaka ako lumapit at inusog ang kurtina, nakita ko si ace at kuya jaxon. Binuksan ko ang slidding door at masamang tumingin sa kanila.

"Anong ginagawa niyo dito?" Seryosong sabi ko.

"Gusto ka naming makausap ashley" aniya ni kuya jaxon.

"Tapos na ang ugnayan natin. Umalis na kayo!" Galit na sabi ko. "Hanggang diyan lang kayo." Nang makita ko ang paghakbang nila, palapit sakin.

"Ashley, Kuya mo ako" aniya ni jaxon.

"Matagal nang patay ang kuya ko, simula nang magsinungaling siya sakin." Seryoso kong sabi.

"Ashley..." Aniya ni ace. Unti-unti siyang humahakbang palapit sa akin.

"Subukan mong lumapit sakin. Hindi ako magdadalawang isip na iputok ang baril na hawak ko, sayo" matapang kong sabi.

"Ashley.. labanan mo ang galit mo, alam kong nagsinungaling kami. Pero ginawa lang namin iyon, para proteksyonan ka" aniya ni jaxon.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon