CHAPTER 43

446 37 0
                                        


  ASHLEY POV'S

  Nagising ako sa kaluskos ni ashie. Napabangon ako at nakita ko si ashie na kaharutan ang napulot kong aso. Hindi ko pa siya nabibigyan ng pangalan. Gusto ko man siyang ibalik sa amo niya, pero hindi ko alam kung saan. Nasisiguro kong nalulungkot ngayon ang amo niya, kakahanap sa kanya.

  Binuhat ko si ashie at ang aso pababa sa kwarto ko. Kumuha ako ng gatas at pagkain para sa kanila. Nilagay ko iyon sa kanilang lagayan ng pagkain.

"Kumain lang kayo." aniya ko sa kanila. Habang hinihimas ang mga balahibo nila. Umakyat na ako para maligo, magkikita kami ni jasper. Hindi na ako nag-ayos dahil kakain lang naman kami sa labas. Susunduin niya ako sa bahay.

   Bumaba na ako ng marinig ko ang busina ng sasakyan sa labas. Pagbukas ko bumungad sakin si jasper. Pormadong pormado siya, at mukhang pinaghandaan niya talaga ang araw na ito. Nilahad niya ang kanyang kamay na may ngiti. Tinanggap ko iyon, inalalayan niya ako palabas hanggang sa makarating sa sasakyan niya. Binuksan niya ang pinto at marahan akong sinakay. Naninibago ako sa ikinikilos ni jasper, lagi naman niya itong ginagawa pero kakaiba ngayon.

   Napatingin nalang ako sa labas ng bintana ng huminto ang sasakyan. Hinintay kong pagbuksan ako ni jasper bago ako lumabas. Paglabas ko ganun nalang ang pagkamangha ko sa lugar. Napatingin ako kay jasper ganun nalang ang pag ngiti niya.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.

Tumango lang ako. Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagkanga-nga sa lugar. Puro iba't ibang klaseng bulaklak ang nakikita ko at maraming lumilipad na paro-paro sa mga ito. Sabayan mo pa ng asul at puting kalangitan, ang sarap pagmasdan. Ngayon lang ako nakakita ng ganto kagandang lugar.

"Halika, may ipapakita pa ako sayo" hinila ako ni jasper.

   Lahat ng madaanan namin ay puro bulaklak, sobrang ganda talaga yun lang ang masasabi ko.  Huminto kami ni jasper sa pintong gawa sa bulaklak. Hinawi niya iyon at mas namangha ako ng makita ang mas maganda pang nakita sa kanina. Pero may naalala ako bigla, parang napuntahan ko na ang lugar na ito.

"Ang ganda hindi ba?" Tanong ni jasper. Nakatingin siya sa mga paro-parong lumilipad sa amin. Tinaas niya ang kamay at dumapo ang isang paro-parong kulay asul. Ginaya ko ang ginawa niya, tinaas ko ang kamay ko at dumapo naman sakin ang kulay pink na paro-paro. Napanganga nalang ako habang nakatawa, ganung nalang din ang pagtawa niya ng magkatinginan kami.

"Dalasan natin ang pagpunta dito " aniya ni jasper.

Ngumiti ako. "Oo naman."

   Ngayon ko lang napansin na may lamesa at upuan sa may gitna. Masiyado akong natuwa sa mga paro-paro. Pati ang lamesa at upuan parang nakita ko na. Tama ! Dito ako dinala ni ace nung gabing may humabol saking mga lalaki.

"Maupo ka." nakita ko nang hilahin ni jasper ang upuan at hinihintay akong maupo.

"Ikaw ang naghanda ng lahat ng ito?" Tanong ko. Ang dami kasing pagkain sa mesa. Pabilog lang ang mesa at hindi ganun kalakihan.

"Oo, ako ang nagluto niyang lahat. Pinadala ko kay yaya, nung sinundo kita" aniya. Naupo na rin siya, sa may harapan ko.

Nakita ko ang hugis star na nuggets, natuwa ako at tinuhog sabay subo. Nginuya ko ito na ninanamnam ang lasa sa aking dila. "May keso?" Tanong ko sa nuggets na kinakain. May nalasahan akong keso.

"Oo. Hindi ko pa natitikman yan. Masarap ba?" Tanong niya. Tumango lang ako. Tumuhog din siya ng nuggets at sabay subo. "Masarap nga" ngumiti siya.

"Jasper, pinaghandaan mo talaga ito no?" Tanong ko. Nakatingin lang ako sa aking kinakain.

"Yun ba ang tingin mo?" Tanong niya.

THE FIVE GANGSTER AND MEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon