ACE POV'S
Habang kumakanta si ashley ay natulala nalang ako sa kanya, para akong sira. Buti nalang hindi nila napapansin dahil busy rin sila sa kakapanood sa kanya.
Ang ganda ng boses niya ang sarap sa tenga. Pumikit ako habang pina-pakinggan ang kanta niya.
Matapos ang birthday ni lyca ay bumalik na kami sa hotel. Kumuha ako ng isang bote ng alak at dala-dala yun papunta sa tabing dagat. Naupo ako doon at pinagmasdan ang paglubog ng araw.
Wala akong gusto kay ashley, wala. Anong ba tong nararamdaman ko.
"Pwede maupo" tanong ni ashley na nakatayo sa harap ko. Tinitigan ko siya. "Lasing ka na" sabi niya.
Tumayo ako sa harap niya, nagulat siya sa ginawa ko. Pansin ko ang kaba niya ng humarap ako sa kanya. Lumakas ang hangin at tinangay ang buhok niya papunta sa mukha. Kaya naman inalis ko yun at nilagay sa likod ng tenga niya.
Hinawakan ko ang pisngi niya, napansin ko ang mga paa niya na nanginginig. Pero agad kong nilapit ang mukha ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, dahan-dahan kong nilapat ang labi ko sa labi niya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mahal na nga kita.. yun lang ang nasabi ko sa isip ko. At dahan-dahan akong humiwalay sa paghalik sa kanya. Iniwan ko siya na nakatulala sa tabing ilog.
HARVEY POV'S
Pagkabalik namin sa hotel ay naligo muna ako, pagkatapos ay lumabas ako at hinanap agad si ashley. Para ibigay ang mapupulang bulaklak na ito. Kinatok ko ang kwarto ng walang sumagot ay ako na ang kusang pumasok dito.
Pagpasok ko sa kwarto niya ay walang tao, kaya naman nagpunta ako sa labas para hanapin siya. Baka nandun lang yun sa tabi-tabi nagpapahangin. Habang palakad ako ng hotel nakita ko si ashley sa may bintana naglalakad sa tabing dagat. Kaya naman binilisan ko ang pag-lalakad para maabutan ko siya.
Tinitigan ko pa muna ang bulaklak na ibibigay ko para sa kanya. Sigurado akong magugustuhan niya iyon. Pagkarating ko sa dagat nakita ko siya dahan-dahan ako lumapit, papalapit na sana ako. Ng halikan siya ni ace sa.
Bigla nalang bumagsak ang tuhod ko sa nakita ko. Tumayo naman agad ako, bakit naman pala ako magseselos. Hindi naman niya ko boyfriend. Tumalikod nalang ako at lumakad papalayo sa kanila. Tinignan ko pa ang bulaklak na hawak ko ngayon at tinapon sa basurahan.
Tama si dad, kalaban namin ang mga knight.. at hindi namin sila makakasundo dahil isa silang malaking sagabal sa amin...
Bumalik ako ng kwarto at padabog na isinara iyon.
"Narinig kong gumalabog ang Kwarto mo" si frank na pumasok kasama ang kaibigan namin.
"Ako rin, kaya ako napapunta agad dito" si erwin.
"May problema kaba?" Tanong ni ryan.
"Oo, ikaw" duro ko sa kanya.
"Ano na naman ba ito harvey" aniya ni jonas.
"Masaya kana ba na maging karibal ko kay ashley?" seryosong tanong ko kay ryan.
"Hindi ako nakikipag-kompitensiya sayo harvey" sabi ni ryan.
"E, ano lang. Inaagaw" padabog ko binalibag ang mga gamit sa kwarto.
"Gusto ko si ashley at hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko harvey" matapang na sagot ni ryan.
"Tumigil kana harvey, pagtatalunan na naman ba natin ito" awat ni frank na akma kong sasapakin si ryan.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomansaAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...
