ASHLEY POV'S
Pagmulat ko ay nasa isang silid ako.
Nasisiguro kong silid ito ni harvey. Bumukas ang pinto,pumasok dito ang isang katulong.
"Gising kana" nakangiting sabi nito.
"Nasaan si harvey?" Tanong ko.
"Pumasok siya. Pero Pauwi narin yun" aniya ng katulong.
Hindi na ako nakasagot ng may marinig akong ingay mula sa baba.
"Ano yun?" Tanong ko sa katulong.
"Teka sandali titignan ko" lumabas ng pinto ang katulong.
Bumangon ako para sumilip kung sino yun.
"Nasaan ang babaeng may saksak sa tagiliran" nakita ko ang lalaking nakaitim, yung lumusob sa bahay. Sinabunutan niya ang katulong.
"Nasa taas siya" aniya ng katulong naiiyak na ito.
Nabuhay na naman ang takot sa dibdib ko. Kinuha ko ang cellphone, naghanap ako ng daan palabas. Pumunta ako sa balcony halos malula ako sa taas nun. Nang marinig ko ang Kalabog ng pinto ay tumungtong ako paakyat sa bubong. Hindi ako makatingin sa baba sa sobrang taas.
Nakita ko ang lalaking lumabas sa balcony luminga-linga ito para hanapin ako. Naramdaman kong sumakit ang bewang ko. Nagdudugo ang sugat ko. Harvey nasaan kana ba, kailangan kita ngayon.. bakit hindi ko ito naisip... Kinuha ko ang cellphone at tinawagan siya.
"Hello" nangi-nginig ang mga kamay ko.
"Ashley, gising kana" ramdam ko ang tuwa niya sa kabilang linya.
"Nasaan kana ba?" Inis na tanong ko.
"Pauwi na ako. Kasama ko sila Jaxon" aniya.
"Kasama mo sila kuya?" Gulat na sabi ko.
"Oo"
"Okay, paki-bilisan niyo"
"Bakit may problema ba?"
"Meron. Nandito sa bahay niyo yung lalaking nanloob sa bahay"
"Magtago ka ashley, parating na kami" si ace na ang nagsalita sa kabilang linya.
"Sige" binaba ko na ang linya.
Sumigaw ang lalaki. "Binibini, lumabas kana jan kung nasaan ka man nagtatago" kinilabutan ako.
"Bitawan mo ko" narinig ko ang atungal ng katulong.
Napapikit nalang ako hindi ko alam ang gagawin.
"Kung hindi ka lalabas may mamamatay na naman ng dahil sayo" pagdidiin niya sa mga sinasabi.
Wala akong nagawa kung hindi bumaba. Ayokong may mapahamak na naman ng dahil sakin. Bumaba ako papunta sa sala. Nakangisi ang dalawang lalaki ng makita ako. Ang mga katulong lahat ay nakatali walang tigil sa pag-iyak gaya ko ay natatakot din sila.
"Ako ang pinunta niyo dito hindi ba, wag niyo silang i-damay" sabi ko mga katulong ang tinutukoy.
"Sumama ka samin" aniya ng isa.
"Hindi siya sasama sa inyo" nakapamulsang sabi ni ace. Sinipa niya ang pinto para mabuksan ito.
Natigilan ang dalawang lalaki. Napatingin sila sa gawi nila kuya jaxon.
"ACE LIAM MAURER" iiling-iling na sabi ng isa sa kanila.
"Magkasama kayo ni HARVEY COOPER anak ng isang Black Gang" nakatingin ng masama. "Wag niyo sabihing tandem na kayo ngayon" pabiro dagdag ng isa.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...
