CHAPTER 26

418 25 1
                                    

"Ashley, sabihin mo anong nangyare" pilit na iniharap sakin ni kuya jaxon ang mukha ko.

  Nandito kami ngayon sa coffee shop, pilit akong pinapatahan nila kuya jaxon pero kulang na kulang yun dahil sakit na aking nararamdaman.

"Si ace na naman ba?" Tanong ni ethan.

"Oo siya nga" aniya ni kevin papasok sa coffee shop.

"Sumosobra na talaga siya" aniya ni harvey.

"Wag kayong mag-alala magiging okay din ako" pilit akong ngumiti pero hindi ko talaga maiwasan ang umiyak.

"Ashley..." Nandun sa tono nila ang pag-aalala sakin.

"Bakit ganun parang ang tanga-tanga ko" nahawak ko ang aking palad sa sariling noo.

"Ashley, bakit mo naman nasabi yan" naawang tinig ni kuya jaxon.

"Lahat ng taong minamahal ko sinasaktan lang ako" naiiyak na sabi ko nakababa ang aking tingin.

"Ashley, wag mong sabihin yan" aniya ni harvey.

"Hindi ka naman sasaktan ni ace, kung hindi nawala ang ala-ala niya." Aniya ni drix.

"Yun na nga E, nawala na nga ang memorya niya pero pati siya nawala na din sakin" ininom ko ang kapeng nasa harap na parang alak, tuloy-tuloy ang paglaghok ko dito.

"Nandito pa naman kami ah," singit ni jasper.

"Hoy jasper tigilan mo tong si ashley" aniya ni harvey dito.

"Sandali tumatawag si dad" aniya ni kevin. Lumayo siya sa amin para sagutan ang linya.

"Anong balak mo ngayon ashley,?" Tanong ni ethan sakin.

"Hindi ko alam. Nalilito na ako" hinihilot ko ang aking noo.

"May napapansin lang ako. Memorya lang naman ang nawala kay ace pero bakit pati ang ugali niya ang laki ng pinagbago" aniya ni jasper.

"Kasama rin yan sa pagbabago kaya ang kailangan nating gawin ngayon ay intindihin siya" aniya ni ethan.

"Paano natin siya iintindihin kung pati si ashley sinasaktan na niya" aniya ni harvey sakin.

"Kaya ko naman siyang intindihin e, kaya lang yung mga sinasabi niya sakin sobrang sakit" nakangusong sabi ko.

"Unting tiis pa ashley," aniya ni kuya jaxon

"Kuya, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Siya na nga itong kusang gumagawa ng paraan para lumayo ako sa kanya." Malungkot kong sabi.

"Susuko kana lang ng ganun kadali" aniya ni kuya jaxon.

"Oo kuya. Mukhang wala naman ng pag-asang bumalik ang memorya niya  e, hindi na ako aasa. Mas mabuti nang layuan ko nalang siya." Tumayo ako sa aking upuan. At lumabas sa coffee shop.

"Ashley..." Narinig ko ang pagsunod ni harvey at jasper.

"Uuwi na ako, pakisabi nalang kay kuya jaxon." Humarap ako sa kanila at binigyan sila ng pilit na ngiti.

ACE POV'S

"Baby, mga kaibigan mo ba talaga sila" galit na sabi ni lexi.

"May nagawa yata akong mali" mahinang sabi ko.

"Wala kang ginawang mali baby, nagpakatotoo ka lang." Pinupunasan niya ang aking labi gamit ang yelong may balot ng malambot na panyo.

"Sa tingin mo ba?" Humarap ako sa kanya.

"Oo, wala kang ginawang mali. Dahil nagmamahalan tayo. Alam naman nilang hindi mo gusto si ashley, pero pinagpipilitan parin nila" binaba niya ang hawak sa may mesa.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon