ASHLEY POV'S
Dalawang araw na akong hindi lumalabas sa kwarto, lagi akong tulala at sinisisi parin ang sarili sa mga nangyayare.Nawawalan na nga ako ng pag-asang mabubay 'pag iniisip ko ang mga nangyare. Sana hindi nalang ako nagising, sana nanatili nalang akong tulog 'kesa tanggapin ngayon na wala na si dad. Mahal na mahal ko siya kahit hindi ko siya tunay na ama.
Tumulo na naman ang luha ko. Wala akong gana sa lahat ng bagay 'pati pagkain ko ay kinalimutan ko na din. Dumadalaw araw-araw sakin si alex pero hindi ko siya hinaharap 'batid kong nag-aalala siya sakin. Pati sila kuya ay sobra ang pag-aalala sakin 'gustuhin man nilang pumasok sa kwarto ko ay hindi nila ginawa 'dahil nirerespeto nila ako.
Narinig kong magvibrate ang cellphone ko. Kahit tamad na tamad ako, 'ay, bumangon ako para kunin iyo at basahin kung sino man ang nagpadala ng message na iyon.
***Ace bwiset***
Mahirap talaga tanggapin ang salitang ACCEPTANCE..
Pero kailangan mo iapply sa sarili mo ito. Dahil once na natanggap mo sa sarili mo ang masasakit na katotohanan, doon ka magkakaroon ng PEACE OF MIND at madali kang makaka pag
MOVE ON ...Nang mabasa ko ang message na yun ni ace ay pinunasan ko ang mga luha ko sa mata.
Tama siya kailangan kong tanggapin na wala na sila. Na hanggang doon nalang ang inilagi nila sa mundo. salamat ace, hindi ka nagsasawang icomport ako.
Pumasok ako ng banyo at naligo. Pagkatapos ay nag-ayos ako ng buhok, naglagay ng lipting at pulbos ay okay na. Namili ako sa closet ng isusuot pero sa huli ang napili ko ay Black off shoulder croptop and brown mini skirt na may ribbon sa may bewang nito at sinuot ko ang flat sandals ko na color brown with glitters.
Binuksan ko ang pinto at lumabas, alam kong magugulat sila pagnakita akong lumabas 'lalo na at nakaayos pa ako. Pero walang tao paglabas ko. Pumunta ako ng UG office hindi na ako kumatok. Bigla silang napatayo ng makita ako at nakita kong matuwa si mommy ng makita ako. Mabilis niya akong niyakap.
"Anak, buti at lumabas kana" sabi ni mommy na umiiyak.
"Mommy, okay na po ako" nakangiting sabi ko.
"Teka bakit ganyan ang suot mo hija" tanong ni daddy.
"Pupuntahan ko po si alex" normal na sabi ko.
"Sasamahan kita" aniya ni kevin.
"Hindi na kaya ko naman" sabi ko.
"Basta sasamahan kita" pamimilit niya.
"Teka, sasama din ako" aniya ni drix. "Gusto ko siyang makita" nakangiting sabi ni hendrix.
Wala naman akong magagawa. "Sige na nga" nakangusong sabi ko.
Hinila ko ang kamay nila. "Kung ganun tara na" sabi ko.
Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni kevin. Sasakyan niya ang dinala namin. Pagdating namin sa bahay ni alex ay tumatalon siya ng makita ako. Niyakap ko siya ng mahigpit at nagsorry sa inasal ko 'sinabi niya na wala lang yun sa kanya at naiintidihan ako. Niyakap niya din si hendrix at hinalikan sa labi.
Naalala ko na naman ang ginawang paghalik sa akin ni ace..
Yayakapin naman niya si kevin pero nilahad niya agad ang kamay bilang shake-hands.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...