ASHLEY POV'S
Pabalik na ako sa kotse nang makita ang isang lalaki na nakasandal sa pinto ng kotse ko.
Humarap ito sakin ng maramdaman ang presensiya ko. "Hello, james nga pala" lahad niya sa kanyang kamay.
Tinignan ko lang ang kamay niya. "Narinig ko na 'pwede kana bang umalis, may pupuntahan pa kasi ako" seryosong sabi ko.
Inalis niya ang kamay na nakalahad sakin. Natawa nalang siya para hindi mahalatang napahiya siya. "Wala ka pala james" rinig kong sabi ng lalaki sa likuran ko.
"Kala ko ba malakas ka sa babae" asar pa ng isa.
"Miss wag mo naman akong ipahiya sa mga kasama ko" aniya ni james sakin.
"Ikaw kaya tong lumapit sakin" angil ko. "Baka gusto niyong isumbong ko kayo sa dean" dagdag ko.
"Okay miss, kita nalang tayo bukas" ngisi nito.
"Magkaparehas tayo ng school na pinapasukan, hindi malayong magkikita tayo" pilosopong sagot ko.
"Wala kang binatbat sa babae james hahahaha" aniya ng dalawang lalaki sa likuran ko pinagtatawanan ang kaibigan.
"Manahimik nga kayo" sigaw nito sa dalawa, natigil ito sa pagtawa.
"Excuse me, kailangan ko nang umalis" bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng hawakan niya ako sa braso. "Bitawan mo nga ako" pilit kong kinukuha ang braso ko sa kanya.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi niya bitawan mo raw siya" nangibabaw ang tinig ni harvey sa likuran ng dalawang lalaki kasama niya ang mga kaibigan.
"Pati ba naman babae pinapatulan niyo" inakbayan ni ryan ang dalawang lalaki.
"Si james lang yun, sabi nga namin umalis na kami" utal na sabi ng isa.
"Kaso ayaw ni james natipuhan niya ata" aniya pa ng isa halatang kinakabahan.
"Hoy ano ba yang pinagsasabi niyo" sigaw ni james dito.
"Umalis na kayo" aniya ni erwin.
Hinila ng dalawang lalaki si james palayo sa amin. Sumandal ako sa may pinto ng kotse ko nahawakan ko ang noo ko kunwaring hinihilot ito.
"Okay ka lang" tanong ni harvey ng makalapit sakin. Ang isang kamay ay nasa bulsa ang isa naman ay nasa bubong ng kotse ko.
Tumingala ako sa kanya. "Oo naman" aniya ko. "Salamat. Mauuna na ako" dagdag ko.
"Masaya ako, na dito ka mag-aaral" nakangiting sabi nito.
Ngumiti ako sa kanya. "Ako din."
"Sige ingat ka" aniya pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.
Niyakap ko siya bago tuluyang pumasok sa kotse ko.
---*
Pagdating ko sa bahay nakaupo si manang sa sofa. Tumayo ito ng makita akong pumasok.
"Hija, tumawag si ma'am lucy. Tinatanong kung nandito ka" nag-aalalang sabi niya.
"Anong sinabi niyo?" Tanong ko.
"Na wala ka dito"
"Mabuti naman"
"Hija, sobrang nag-aalala na sayo si ma'am lucy"
"Tatawagan ko siya" kinuha ko ang cellphone sa bag ko.
Nawala ang lungkot sa mukha ni manang. "Ganyan nga ang dapat mong gawin"
Hindi ko na siya sinagot pumunta ako sa may garden at dinial ang numero ni mommy.
"Hello" narinig ko ang tinig ni mommy halatang kagagaling lang niya sa iyak.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...