ACE POV'S
Isang buwan narin ang nakalipas ng makatakas kami sa mga bloody gang. Humilom na rin ang aming mga sugat na natamo sa kanila. Nag aalala pa rin ako dahil iniwan namin si ashley ng mag-isa. Kailangan namin siyang balikan bago pa kami maunahan ng mga bloody gang.
Maaga kaming nag ayos ng aming mga gamit para puntahan si ashley at isama sa aming bagong tinataguan. Tumuloy kami sa ospital dahil natatandaan ko pa na doon namin siya huling iniwan. Pagkarating namin sa ospital saktong natanawan namin si chloe at lorraine na nag-uusap. Natigil lang iyon ng makita kami halata sa kanila ang gulat, mabilis kaming lumapit sa kanila.
"Si ashley" tanong agad ni jaxon ng makalapit kami.
"Sandali lang" aniya ni lorraine at napahawak pa sa ulo na tila hindi maintindihan ang nangyayari.
"chloe nasan si ashley" baling ni jaxon dito. "nasaan ang kapatid ko" dagdag pa ni jaxon.
"Jaxon, ilang buwan narin ng makalabas si ashley dito. Hindi na namin siya nakita simula ng makalabas siya sa ospital, pati si alex nag-aalala na. Kakahanap sa inyo, Ano ba talaga ang nangyari ?" tanong ni chloe na naguguluhan.
"kung ganun wala dito si ashley?" tanong ni harvey.
"Oo,wala siya dito at hindi rin namin alam kung nasaan siya. Nag-aalala na kami sa kanya pati na rin sa inyo." singit ni lorraine sa usapan.
"pwede bang sabihin niyo samin kung ano ba talagang nangyayari?" tanong ni chloe tumingin sa amin.
Hinawakan ni jaxon kaliwang balikat ni chloe. "Hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo. Pero wag kang mag-alala malalaman mo rin ang mga nangyayari" ngumiti nalang si jaxon at nagsimula maglakad palayo, sumunod nalang kami palabas ng ospital.
Paglabas namin ng ospital. Bigla ko nalang nasuntok ang kotse.
"Aaaahhhh!!!" sigaw ko habang sinusuntok ang kotse.
"King, tumigil kana" awat sakin ni drix at kevin.
"Kasalanan ko ito. Iniwanan ko si ashley ng mag-isa. Anong gagawin ko saan ko siya hahanapin" Lumabas nalang ang mga luha sa mata ko.
"Wag kang mag-alala ace, makikita natin ang kapatid ko. Nasisiguro ko na ligtas siya." aniya ni jaxon sakin at tinapik ako sa balikat.
Sumakay na kami ng kotse at bumalik pauwi. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa dami kong iniisip, ang mga master ay hindi pa namin nakikita.
KINABUKASAN...
ASHLEY POV'S
Paggising ko ay dumeretso na muna ako sa banyo, pagkatapos ko ay bumaba na rin ako. Nakahain na sa may mesa pero wala naman si david tanging mga katulong lang ang nandito. Pumunta ako sa may kusina at nakita ko si manang na naghuhugas ng plato.
"Oh' Hija gising kana pala" nakangiting sabi niya.
"Opo, ahm manang si david po?" tanong ko habang nililingon ang paligid.
"Nandoon siya sa may garden." aniya.
"Ganun po ba. sige manang pupuntahan ko muna siya"
"Teka, hindi ka ba muna kakain"
"Mamaya na po manang" aniya ko at patakbong pumunta sa garden.
Pagdating ko ay nakita ko si david na nakasandal sa may puno at natutulog. ang aga naman ata niyang matulog. lumapit pa ako ng mas makita ko siya, nakatayo na ako ngayon sa harapan niya. Bigla nalang pumatak ang luha ko. Bakit ganito naaalala ko si ace sa kanya. ace, namimiss na kita. nasaan kana ba.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...