ASHLEY POV'S
"Harvey" mahinang sambit ko ng namulat ako, nakita ko siyang palabas ng kwarto.
Nakita ko ang pagtingin niya sa akin at nakita ko ang tuwa sa mga mata niya. Lumapit siya sa akin at naupo sa may gilid ng kama.
"Ashely, kamusta ang pakiramdam mo? okay kana ba? may masakit ba sayo? sabihin mo ---" halos walang tigil ang tanong niya, kaya nagsalita na ako.
"Pwede ba maghinay-hinay ka sa kakatanong mo" ngumiti ako.
"Pasensiya kana, sobrang nag-alala lang kasi ako sayo. Lalo na ilang buwan ka din naming hinanap." nababasa ko ang lungkot sa mga mata niya.
"At dahil sayo, nakaligtas ako." hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sa kamay niya na hinawakan ko at binalik ang paningin sakin. "Salamat Harvey." binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
Naramdaman kong hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Gagawin ko ang lahat ashley para sayo." inangat niya ang isang kamay niya at hinaplos ng marahan ang aking pisngi. "Dahil mahal kita ashley." dagdag niya.
Inalis ko ang kamay niya at hinawakan. "harvey, mahal din naman kita. kaya lang--" hindi ko natuloy ang sasabihin ng magsalita siya at tapusin ang sasabihin ko.
"Bilang kaibigan." aniya. napatingin nalang ako sa kaniya at hindi nakapagsalita. "napakaswerte talaga ni ace." nakita ko ang malungkot niyang pag-ngiti.
"harvey, alam mo bang mas swerte ako." napatingin siya sakin na may pagtataka.
"Oo, swerte ka. Makakasama mo na si ace at magkikita na kayo ulit." aniya.
"Tama ka. Pero swerte ako dahil may kaibigan ako na nandiyan at hindi ako iniiwan." ngumiti ako sa kanya.
"Sige, magpahinga kana muna. Pasensiya kana sakin. kalimutan mo na lahat ng sinabi ko." aniya at tumayo na ito palabas pero natigil siya ng makasalubong niya si ace. "Ace, nandoon si ashley. Puntahan mo na siya." narinig kong sabihin iyon ni harvey. Tinapik niya pa ito sa may balikat bago umalis.
Nang makita ko si ace palapit sakin ay hindi ko napigilan ang tumayo sa pagkakahiga kahit may nararamdaman akong sakit sa mga katawan ay hindi ko ito ininda. Niyakap ko si ace ng mahigpit alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero naramdaman ko din ng yakapin niya ako pabalik mula sa aking likuran.
"Ace, sobrang namiss kita." yun nalang ang tanging linya na nasabi ko at hindi ko na napigilan ang maluha sa labis na sayang nararamdaman.
Mas naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sakin. "Simula ngayon, hindi ko na hahayaang mag-isa ka. Hindi na kita iiwan mag-isa pangako. Mahal na mahal kita baby." hindi na ako nagsalita pa at sinulit ko ang araw na ito na kasama siya.
HARVEY POV'S
Kumuha ako ng tatlong bote ng alak sa may ref at nagpunta sa may pool, naupo ako sa may gilid nun. Nagsimula akong uminom mag-isa, nakatanaw sa nagliliwanag na mga bituin.
"Alam mo bang masama yan, lalo na kung hindi ka mag-aaya." aniya ni frank at naupo sa may tabi ko at pinakita pa ang mga dala niyang alak. Nginisian ko lang siya.
"Nandito ka pala, nasaan ang iba?" tanong ko sa kanya.
"As always "Chixxs"." aniya at nagtawanan lang kami.
"Hindi na talaga sila nagbago." aniya ko habang iiling-iling sabay laghok ng alak.
"Bakit ka umiinom mag-isa. Hindi mo manlang ako tinawagan babe." aniya at nakanguso.
"Tumigil ka nga nakakadiri ka." aniya ko sa kanya at bigla na naman akong nalungkot.
"Pero seryoso . Si ashley ba?" tumingin ako sa kanya at nakita ang seryosong mukha niya, nakatanaw sa malayo.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...
