JAXON POV'SNandito na kami ngayon sa may sala dahil ngayon ang aming fieldtrip.
"Kumpleto naba lahat ng gamit niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Yeah. Kumpleto na" aniya ni ethan.
"Teka,'sandali, nasaan si ashley?" Tanong ni kevin pagkalabas ng kusina.
"Panigurado ako nagpapaganda pa yun" biro ni hendrix.
"Kahit hindi siya magpaganda ay maganda na siya drix." Aniya ni ethan.
"Yaya nasaan na po si ashley" tanong ko kay yaya na nag-lilinis.
"Pagpasok ko kanina ay natutulog siya. Baka tulog parin hanggang ngayon" aniya.
"Ano!!!" Sigaw naming apat. maliban kay ace, dahil nandoon na naman siya kay lexi upang sunduin ito.
"Pupuntahan ko muna siya" tumakbo ako paakyat sa kwarto niya.
Pagbukas ko ay tama nga si yaya natutulog pa nga ito at humihilik pa.
"Ashley, gising" niyugyog ko si ashley para gisingin pero hindi manlang nagigising. "Ashley!!!" Sinigawa n ko siya sa may tenga niya.
"Kuya, ano ba inaantok pa ako" aniya na nakapikit parin ang mga mata. Tinalukbong niya ang kumot sa mukha.
"Ashley, hindi mo ba alam. Ngayon ang fieldtrip natin" sigaw ko.
Bigla niyang inalis ang talukbong na kumot. "Ano! Bakit hindi ko alam" mabilis siyang pumasok sa may banyo para maligo.
"Hihintayin kana lang namin sa baba" sigaw ko.
"Oo kuya, pakitawag nalang si yaya." Aniya.
"Sige" bumaba na ako papunta sa sala, pinuntahan ko si yaya. "Yaya, pakitulungan naman po si ashley mag-impake ng gamit niya" aniya ko.
"Sige sir" umakyat na si yaya papunta sa kwarto ni ashley.
"Para pala siyang si sleeping beauty kung matulog" aniya ni hendrix.
"Hindi niya nga alam na ngayon ang fieldtrip" aniya ko sa kanila.
"Nandito na ako" aniya ni ashley pababa ng hagdan.
"Ang bilis mo naman" aniya ni kevin.
"Ayokong paghintayin ang mga gwapong kasama ko" nakangiting sabi ni ashley, nagpauna itong maglakad palabas.
"Ang saya niya yata ngayon" aniya ni ethan.
"Baka excited" aniya ko.
"Weird!" Aniya ni ethan.
Sumakay na kami sa sasakyan. Ang dinala namin ay van dahil sa dami ng aming mga gamit na dala.
"Pati ba naman sa biyahe natutulog parin siya" aniya ni drix.
Lumingon ako kay ashley at natutulog nga ito. "Baka napuyat lang" aniya ni ethan habang nagmamaneho.
"Kanino naman?" Tanong ni drix.
"Sino pa ba? Alam naman nating lahat kung sino ang dahilan" aniya ni kevin nasa labas ng bintana ang paningin.
"Balita ko ay hindi siya pumasok kahapon" aniya ni ethan nasa harap ang paningin.
"Hah! Saan naman siya nagpunta" tanong ko.
Umiling lang si ethan at mukhang hindi alalm kung saan ito nagpunta. Pagkarating namin sa parking lot ng school ay nakasakay na ang mga estudyante sa may bus.
ASHLEY POV'S
"Ashley, nandito na tayo" gising sakin ni kuya jaxon.
Humikab pa muna ako. "Pasensiya kana kuya. Inaantok talaga ako" aniya ko. Latang-lata akong lumabas ng van.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...