Pag-akyat namin sa taas. Humiga agad ako sa kama dahil sa sobrang busog ko.
"Grabi busog na busog ako" si alex. Habang hinihimas ang tiyan.
"Ako rin" aniya ko.
Lumapit sa amin si lalaine na may dalang mga cd.
"Nood tayo ng movie" aniya. Inilapag ang mga cd sa kama.
Bumangon naman kami ni alex para pumili ng cd na papanuodin namin.
"Ito ang gusto ko" tinaas ni alex ang cd.
"Titanic" sabi ko.
"O sige" aniya ni lalaine at sinalang na ang cd sa dvd.
"Kinikilig ako" si alex.
"Hoy wala panga eh" aniya ko.
"Teka tatawagin ko lang ang mga boys" magsasalita na sana ako pero nakalabas na ito.
Ilang sandali lang ay nagsimula na ang palabas, sakto namang pagdating ni lalaine kasama ang iba.
Nasa unahan si lalaine katabi niya sina erwin,frank at jonas. Si alex naman ay nasa ikalawang linya katabi naman niya sina hendrix,jaxon at ethan. Ako naman ang nasa likod nila 'katabi sina harvey,ace,kevin,ryan.
Di ako mapakali dahil lalaki ang katabi ko, hindi ako sana'y. Lalo na ang pinapanood namin ay love story? .
Nandun na kami sa scene na dinrawing ni jack si rose na naka*** basta alam niyo na yun. Tapos hindi nila alam parating na ang fiancee ni rose. nang kumatok ito, ay tumakbo sila.
Nakita kong nakasulyap sakin si harvey. Kaya naman tumingin ako sa kanya, pero hindi na siya nakatingin. Kaya binalik ko ang paningin ko sa aking pinapanood.
Nandun na kami sa scene na may nangyare kay jack at rose sa sasakyan.
Tumingin ako kay ace. Nakita ko siyang nakatingin kay lalaine, nawala ang tingin na yun ng sumulyap siya sakin. Ako na agad ang nag-iwas ng tingin.
Nagugutom ako..
Tumayo ako. Dahil nagugutom na talaga ako.
"Saan ka pupunta?" Bulong ni harvey.
"Nagugutom na ako eh" aniya ko.
"Ang takaw mo talaga" natatawang sabi niya.Nginusuan ko naman siya.
"Sige sasamahan kita" dagdag niya pa, inakay ako papunta sa sala."Grabe ang ganda talaga dito" nama-manghang aniya ko kay harvey.
"Yeah" aniya. Na nakatingin lang sa kanyang niluluto.
Pagkatapos maluto ay isinalin niya na ito sa malalim na lalagyan. Sinandukan niya na rin ako ng kanin.
"Wow! Mukhang masarap at ang bango pa" aniya ko nakatingin sa mga pagkain.
"Syempre ako nagluto" pagyayabang niya.
Hiniwa ko ang manok at tinusok ng tinidor, tsaka ito sinubo. Pinagmamasdan niya ako habang kumakain. pagkatapos kong kumain ay hinugasan na rin niya ang aking mga pinagkainan.
"Thank you sa pagkain harvey" aniya ko sa kanya.
"Ano kaba wala yun" aniya. Sabay kaming bumalik sa loob.
"Oh nandito na pala sila" bungad samin ni frank.
"Maglalaro tayo" si jonas.
"Ano namang laro yan" si harvey st nilapitan ang kaibigan.
"Truth or dare" si jaxon.
"Hmmm" tango-tango sila maliban sakin.
"Kaso ang truth or dare na ito ay bagong bersyon" si alex.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...