ASHLEY POV'S"Nagustuhan mo ba ang lugar na ito." tanong niya ng dalhin niya ako sa isang peryahan.
"Alam mo pala ang lugar na ito."
"Oo naman."
"Sa yaman mo, hindi ko lubos maisip na alam mo din pala ito." pilit na ngiting sabi ko. Nasa perya lang ang paningin ko.
"Hindi naman porket mayaman ka sa mamahalin na lugar kana pupunta." aniya.
"Sabagay may punto ka." tatango-tangong sabi ko.
Nagulat ako ng hilahin niya ako. "Gusto mo sumakay dito." huminto kami sa isang carnival pumatak nalang bigla ang luha ko. "Bakit ka umiiyak?" nagtatakang sabi ni david.
"Wala, may naalala lang ako" pinunasan ko ang luha sa mata ko.
"Siya na naman ba?" aniya. pero wala sa akin ang paningin.
"Tama ka, Madalas din kaming nagpupunta dito." nakangiting sabi ko habang may mga luhang pumapatak. "Pero ngayon wala na siya eh. Hanggang ala-ala nalang siguro." natatawang sabi ko.
"Ashely, nandito pa ako. Gagawa tayo ng sarili nating ala-ala." aniya ni david hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"David." pag-aawat ko sa kanya.
"Alam ko kelan lang tayo, nagkakilala. Pero ashley maniwala ka. Hindi ko na kasi maintindihan ang sarili ko eh. Lagi kitang iniisip, gusto ko lagi kitang nakikita, ayoko ng mawawala ka sa paningin ko." dere-deretso niyang sabi.
"Hindi kita maunawaan, ano bang sinasabi mo." nalilitong sabi ko.
"Gusto kita ashle, Mahal kita." nakangiting sabi niya.
"Sandali lang" pilit na iniintindi ang sinabi niya. "David, pasensiya kana. Pero hindi kita gusto at mas lalong hindi mahal. Si ace lang ang mahal ko at hindi magbabago yun." Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad.
"Patay na siya ashley, bakit siya parin. Sabihin mo nga." ramdam ko sa kanya ang galit at poot.
Nakatalikod pa rin ako sa kanya. "Oo, patay na siya. Pero sa puso ko buhay na buhay siya." aniya ko at nagpatuloy sa paglalakad.
hindi ako sigurado kung patay ba si ace. pero malakas ang kutob ko na buhay pa siya. At kailangan ko nang hanapin sila.
Pagkauwi ko sa bahay nila david ay tumuloy agad ako sa aking silid. Napabuntong hininga nalang ako sabay higa sa kama. Di ko namalayan na pumatak na pala ang aking mga luha habang nakatingin sa may kisame.
"Nasaan na ba kayo" yun na lamang ang nasabi ko sa aking sarili. Natigilan ako ng may kumatok mula sa pinto, kaya daglian kong pinunasan ang aking mga luha. Tumayo ako, palapit sa may pinto.
"David" aniya ko. pagbukas ng pinto.
"Ashley, pasensiya kana kung may nasabi akong mali." aniya.
"Kalimutan na natin yun." biglang sambit ko.
"Talaga?" nakangiti niyang sabi.
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap. "Pasensiya kana talaga" dagdag niya pa.Bigla ko nalang siyang tinulak palayo sa akin. "David, Okay na. Gusto ko muna mapag-isa" bigla kong sinarado ang pinto.
DAVID POV'S
Pagkasarado ni ay bumaba na ako, lumingon pa muna ako sa taas kung nasaan ang silid ni ashley. Pinakuha ko kay yaya ang susi ng kotse ko dahil pupunta ako kila jay.
Habang nag mamaneho ako, nakarinig ako ng malakas na tunog. Kaya bumaba ako upang tignan iyon. May nasagi akong sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada. Nakita ko ang pagbukas ng pinto at lumbas doon ang mga sakay nito.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...