CHAPTER 50

457 26 2
                                    


  FRANK POV'S

  Pinapunta kaming apat ni master marvin sa opisina niya. Pagpasok namin sa loob siya ay nakaharap sa bintana at nakatalikod samin.

"Master" aniya namin.

"Simula ngayon layuan niyo ang anak ko." aniya ni master marvin. Inikot niya ang swivel chair paharap samin.

"Master ano bang sinasabi niyo." Aniya ni erwin.

"Dahil masiyado kayong mabait pagdating sa babaeng may asul na mata. Kaya ngayon palang layuan niyo na ang anak ko, dahil makakasira lang kayo sa plano ko"  sigaw nito samin.

"Hindi namin kayang layuan si harvey" seryosong aniya ko.

"Hawak ko ang pamilya niyo, kung hindi kayo susunod. Nasisiguro kong lahat sila ay mamamatay" aniya nito.

"Ang sama niyo, matapos ng lahat ng ginawa namin para sa inyo" sigaw ni jonas.

"Pare-pareho lang tayong nakinabang hindi ba" seryosong sabi ni master marvin.

"Wala kayong kasing sama" galit na sabi ni ryan. Ito ang unang beses na makita ko siyang magalit.

"Kahit anong sabihin niyo, wala na kayong magagawa. Uulitin ko LAYUAN NIYO ANG ANAK KO." Pagdidiin niya sa sinabi.

"Tandaan niyo, hindi pa tayo tapos" aniya ni jonas. Nauna siya lumabas kasunod kami.

---*

   Nagpunta kaming apat sa may bar upang mag-isip kung ano ang dapat gawin.

"Kailangan ba talaga natin layuan si harvey" tanong ni jonas.

"Hindi ko alam" aniya ni ryan.

"Ang pamilya natin bakit kailangan niya pa idamay" aniya ni erwin.

"Napakasama niya, matapos ng lahat ng ginawa natin. Ginamit niya lang pala tayo" nasuntok ko nalang ang mesa sa galit ko.

"Bro, nandito lang pala kayo" nangibabaw ang tinig na yun ni harvey. Lahat kami ay napatingin sa paglapit niya.

"Harvey" aniya namin ng sabay-sabay.

"Bakit para kayong nakakita ng multo, may problema ba?" Tanong niya.

"Wala. Kailangan ko nang mauna" aniya ni ryan.

"Teka ryan, sasama na kami sayo ni erwin" hinila ni jonas si erwin. Kaya ako nalang mag-isa ang naiwan, kasama si harvey.

"Bakit ganun sila" tanong ni harvey.

Bumuntong hininga ako, bago magsalita. "Harvey, pasensiya kana. Kailangan ko na rin umuwi" aniya ko. Tinapik ko ang balikat niya tsaka siya tinalikuran.

"Frank, sandali" tawag niya pa. Pero hindi ko siya pinansin.

     Pasensiya kana, alam kong mali ang ginawa namin. Pero mas makakabuti ito para satin at lalo na rin kay ashley. Pasensiya kana harvey...

  ASHLEY POV'S

  Nandito kami ngayon sa resort ni kuya jaxon. Hindi ko alam na may resort pala siyang pinatayo, ako ang kapatid niya pero ako pa ang huling nakaalam. Sobrang laki ng resort ni kuya jaxon kaya maraming turista ang pumupunta dito. Pero hindi sapat ang mga kwarto, sa dami ng mga taong nagchechek-in sa may hotel.

  Nung umaga ay inaya ako ni ace maglakad sa tabing dagat.

"Ang ganda ng sikat ng araw baby," aniya ni ace habang naglalakad kami.

"Tama ka." nakangiting sabi ko. Magkahawak ang mga kamay namin.

"Baby" aniya.

"Bakit?" Sagot ko. Patuloy ang paglalakad namin.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon