Title: Fixing a Broken Heart
(Heart Series Vol.2)[ M2M Love Story ] [BxB]
Chapter 02
( Lew’s POV )
Nandito na kami sa labas ng mansion nila Kaizer. Halos hindi ko na kayang ihakbang ang mga paa ko.
Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari kapag kaharap ko na si Dad…yung daddy ni Kaizer.
“Babe, please relax. Just take a deep breath” nakangiting sabi ni Kaizer sa akin.
Pilit niyang pinapagaan at pinapakalma ang loob ko. Alam kong nararamdaman niyang kinakabahan na talaga ako.
“Kinakabahan kasi talaga ako, Babe” sabi ko dito.
“Everything will be fine, Babe. Trust me” sabi nito.
Ngiti lang ang tinugon ko sa kanya.
“Let’s go?” tanong niya.
Tumango lang ako at kinuha na niya ang kamay ko at sabay na kaming pumasok sa loob.
Pagpasok pa lang namin sa loob ng bahay nila Kaizer ay halos hindi na tumigil ang kaba sa dibdib ko.
Wala na akong ibang choice kundi ang harapin si Dad.
Kailangan ko ng tanggapin at ihanda ang aking sarili kung ano man ang mangyayari.
“Where’s Dad?” tanong ni Kaizer sa isang maid na sumalubong sa amin.
“Nasa taas pa po siya, sir” sagot naman nito.
“Please tell him that we are here” utos naman ni Kaizer.
Tumango naman yung maid at nagpaalam na para tawagin si Dad.
“Let’s take a sit, Babe. Hintayin nalang natin dito si Dad” sabi nito.
Umupo na kami. Nandito kasi kami ngayon sa pinaka sala siguro ng bahay nila dito sa baba.
Hindi talaga ako mapakali.
Gusto ko ng maihi! Gusto ko ng umuwi!
“Babe, you look so tensed” natatawang sabi ni Kaizer.
“Huwag ka na ngang mang-asar dyan! Alam mo na nga na kinakabahan na ako eh” pikon na sabi ko sa kanya.
“Hay naku! Come here. I’m gonna hug you nalang para mawala iyang kaba mo” sabi nito sabay yakap sa akin.
Sa totoo lang, yung sa mga simpleng ginagawa ni Kaizer na kagaya nito sa akin ay napakalaking bagay para kumalma kahit papaano.
Madali niya na napapagaan ang loob ko sa ganitong pagkakataon and at the same time ay napapakilig pa niya ako.
“Kaizer!” isang malakas na tawag na siyang biglang nagpahiwalay sa aming dalawa sa pagkakayakap.
Sabay kaming napatayong dalawa.
“D-Dad” bati ni Kaizer.
“S-Sir” naiilang na bati ko naman sabay tungo.
Heto na! Naglalakad na papunta sa amin si Dad!
Parang puputok na ang dibdib ko sa sobrang kaba!
Sinulyapan ko si Kaizer. Nginitian niya lang ako at hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...