FABH - 33

4 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 33

( Lew’s POV )

Wala naman talaga akong ibang pupuntahan pa.

Sinabi ko lang kay Lexter iyon dahil ayaw ko lang makaabala pa sa kanya.

Pagkalabas ko ng school ay agad akong dumeretso ng bahay.

“Ano? Final decision ka na ba talaga?” tanong sa akin ni RyRy.

“Oo naman. Nakuha ko na ang dapat kong kunin oh” sabi ko sabay pakita ng envelope na dala ko.

“Pwede ka pang umatras kung gusto mo” sabi nito.

“No. Wala ng atrasan ito RyRy. Huwag ka na makulit dyan! Aayusin ko pa ang mga gamit ko” sabi ko dito.

“Galit agad si bebe love? Okay na ang mga gamit mo nakalagay na sa Van” sabi nito.

“Van? At kailan pa tayo nagkaroon ng van?” tanong ko dito.

“Hiniram ko kina kumpare. Nagpaparenta sila ‘di ba? Binabayaran ko naman pero wag na daw. Madami naman kasi silang sasakyan” paliwanag nito.

“Sure ka ba talaga na sasamahan mo ako dun?” tanong ko.

“Bakit alam mo ba ang papunta dun?” balik tanong naman nito.

“Hindi. Pero pwede naman ako mag commute mag-isa. Just give me an instructions as my map” sabi ko.

“Huwag ka na ngang makulit. Sasamahan kita o babalik ka sa EMU?” sabi nito.

“Oo nah! Blackmail agad? Eh papaano itong bahay? Paano yung apartment mo?” tanong ko.

“Hinabilin ko na kay Buboy. At saka two weeks lang naman akong mawawala. Malay mo kasama na din naman kita pag uwi ko dito” sabi nito na natatawa.

“Baliw! Sayang ang effort ko kung babalik din pala ako dito” sabi ko sa kanya.

Ano ang akala niya sa akin? Nagdadrama lang?

Natawa lang naman ang mokong kong pinsan.

“Eh paano nga pala ang trabaho mo?” tanong ko.

“Okay na. Nakatawag na ako sa office. Bakit ba ang dami mong tanong? I check mo nalang yung iba mo pang gamit kasi hindi ko alam kung ano pa ang mga dadalhin mo” sabi nito.

Pumasok naman agad ako sa kwarto ko. Malinis na ito.

As in, malinis na dahil halos wala na akong gamit.

Grabe si RyRy. Mukhang siya pa ang gustong umalis ako dito. Lahat dinala eh.

Napansin ko lang yung teddy bear na bigay sa akin ni Kaizer na nasa kama.

Dadalhin ko ba ito?

Hmp! Huwag nalang!

Gusto ko ngang makalimot, di ba?

Paano ako makakalimot kung palagi ko namang makikita si KaiLew? Yung teddy bear na bigay sa akin ni Kaizer.

Pinabayaan ko nalang yun na nasa kama at nilibot ko nalang ang buong kwarto.

Haaaaaayy! 

Simulat-simula ay dito na ang kwarto ko.

At hindi ko akalain na darating yung time na aalis ako dito.

Ilang taong ko din itong naging kwarto ang madami na akong memories dito.

“BEBE LOVE! TAPOS KA NA BA? MALAYO PA YUNG BYAHE NATIN!” sigaw ni RyRy na nasa sala yata.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon