FABH - 26

1 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 26

( Lew’s POV )

Ding! Dong!

Nandito na ako sa labas ng bahay nila Oreon.

“L-Lew! W-what are you doing here?” gulat na tanong ni Oreon sa akin.

“Why? Gusto ko lang naman pumasyal” sabi ko dito.

Sa itsura niya kasi ay parang hindi niya ako inaasahang darating at parang ayaw niya na nandidito ako.

“Bes?” sabi pagkapasok ko.

Bakit nandito din si Pat?

Akala ko ba ay may sakit siya?

“Bes! Bakit ka nandito? Gabing-gabi na ah” sabi nito sa akin.

“Ako dapat nagtatanong sayo niyan, di ba? May sakit ka kaya hindi ka nakapasok. Pero nandito ka” sagot ko dito.

Sabi niya may sakit siya?

Pero bakit nandito siya ngayon at nakikiparty sa mga ito?

“Ah… Eh.. Nabalitaan ko kasi na nag-away kayo ni Kaizer. Kaya ako napasugod dito” sagot nito.

“Lew, can you tell to us kung ano ba talaga ang nangyayari?” tanong ni Phytos.

“It’s just a simple misunderstanding” sagot ko nalang.

“Simple lang? Eh nagsuntukan na nga daw sina Kaizer at Lexter” sabi ni Pat.

Whattt? Hindi ko alam yun ha!

Normal naman ang kilos ni Lexter kanina habang magkakasama kami.

Wala din naman akong nakitang pasa sa kanya.

Wala din namang si Lexter na sinabi sa akin.

“Nagsuntukan sila?” tanong ko.

“It’s Lexter who punched Kaizer” pagtatama ni Oreon.

“Dahil sa sinabi ni Kaizer na manloloko ka daw” sabi naman ni Oreon.

“Ano ba kasing nangyayari, Bes?” tanong ni Pat.

“Friends lang kami ni Tim. Kung ano man ang nasa laman ng sobre na binigay kay Kaizer, lahat ng iyon ay mga paninira lang” sabi ko.

“Sobre? Wala kaming alam dun ah. Ano ba ang laman ng mga iyon?” tanong ni Phytos.

Nakakapagod na ang maghapon na ito.
Nakakapagod na mag explain.

I think sila ang may dapat na ipaliwanag sa akin dahil wala naman akong tinatago.

“I explained so many times. Napapagod na din ako. But I think ako naman ang kailangang magtanong sa inyo” sabi ko.

“Tungkol saan?” tanong ni Phytos.

“Is it true na si Jerlie ang future wife ni Kaizer?” derektang tanong ko.

Hindi naman agad sila naka-imik.

Nagkatinginan pa silang tatlo.

Silence means YES!

Pero bakit parang pati si Pat ay may-alam?

“So, totoo nga pala. At hindi nyo man lang sinabi sa akin” sabi ko.

“Hindi mo narin naman kasi dapat pang malaman, Lew. That was before at--”
Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Phytos.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon