FABH - 20

2 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 20

( Lew’s POV )

Nagkabati at nagkaayos na din kami ni Kaizer.

Humingi siya ng sorry at ganun din ako.

Hindi rin talaga namin kayang tiisin ang isa’t-isa.

Okay na din naman kami ni Lexter, wala naman din kasi talaga siyang kasalanan.

Si Prince naman kasi ang nag decide at sinunod niya lang din naman ang kagustuhan ni Prince.

Naging part na nga ng group namin si Jerlie, siya pa nga ang nag set-up at tumulong para mapag-ayos kaming dalawa ni Kaizer.

At okay narin sila ni Pat. Naging maayos at mabait naman kasi siya sa amin.

Tama nga si Kaizer, mahiyain siya.

Ako pa ang nagpu-push sa kanya para makiharap sa mga tao. Ang ganda niya at mahinhin ang mukha pero mahiyain.

I helped her to be the president of our class.

Gusto ko rin kasi siyang maging part ng SC officers para mas lalo pa kaming magka close, matalino din naman kasi siya.

Naging maingay na din ang pangalan niya sa buong campus para maging dahilan na mahing popular siya at hangaan ng marami.

Mabilis din lumipas ang mga araw, at hanggang ngayon ay hindi man parin nagpaparamdam sa amin si Prince.

Tinanggap ko na sa sarili ko na ayaw niya ng makipag communication sa amin, na hindi na kami parte ng mundo niya.

Masakit man at kailangan kong tanggapin at iwaksi na siya sa aking isipan.

“Lew, you need to go to room501, now! Emergency daw!” hangos ng hindi ko kilalang lalaki at umalis din agad kaya hindi ko na natanong pa.

Emergency?

Bakit ako?

Nagtataka man ay pandalas na akong umalis para pumunta sa room501.

Iniwan ko na ang mga gamit ko na nagkalat dito sa SC Office.

Ano ba kasi ang emergency na yun? Bakit ngayon pa?

Ang dami ko pa namang ginagawa at hinahabol na paper works!

At bakit ako?

Takbo-lakad ang ginawa ko papaakyat.

Emergency daw kasi, di ba?

Ang alam ko ay wala ng tao doon dahil uwian na ng ganitong oras.

At bakit sa room501? AVR room yun eh.

Anong meron dun?

Nakailang katok ako sa pinto pero walang sumasagot. Pinihit ko na ang door knob.

Bakit madalim?

Pumasok na ako ng tuluyan kahit madilim.

pakapa-kapa pa ako para hanapin ang switch ng ilaw. Hindi ko kasi nadala ang phone ko dahil sa pagmamadali.

Biglang sumara ang pinto.

Nakaramdam ako ng kaba.

Wala akong makita.

Hindi ako familiar kung nasaan ang light switch.

Ayaw ko ng ganito. Kinakabahan talaga ako.

At biglang bumukas ang ilaw.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon