FABH - 58

9 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 58

( Lew’s POV )

“Ikaw yun, Princess. Ikaw yung kakambal ko” sabi ni Prince na ikinagulat ko.

“Ha? Nagbibiro ka ba?! Gosh, Prince! Ayaw ko ng ganyang biro” sabi ko dito.

“He’s telling the truth, Lew. You are my long lost son” sabi ni Mr. Greenford.

Nakatitig siya ng deretso sa akin pero nakikita ko ang ngiti sa mga mata at labi niya.

Salitan kong tiningnan sina Prince at yung daddy niya.

Nagbibiro ba sila? Ano bang klaseng trip ba ito?!

“Baka po nagkakamali lang kayo. Patay na ang mama at papa ko” sabi ko.

“Sa totoo lang ay matagal na naming alam na ikaw ang anak ko. Pero hindi namin alam kung kailan ang tamang panahon para sabihin sayo” sabi ni Mr. Greenford.

“Matagal ka na naming pinapasundan, Anak. Lahat ng tungkol sayo ay alam na namin. Hindi ka scholar ng EMU. Kami ang nagpapaaral sayo dun. Pati allowance mo ay kami din ang nagbibigay. Para habang hinahanda pa namin lahat ay natutulungan ka din namin. Kasi gusto namin na maging maganda at edukado ka” dagdag pa nito.

“Kaya ako pumasok sa EMU ay para bantayan ka, Princess. Kaya ako protective sayo dahil ako ang kapatid mo. Ikaw ang twinny ko” nakangiting sabi nito sa akin.

Hindi ko alam, pero parang may kung ano sa damdamin ko na nagsasabing totoo ang mga sinasabi nila.

Totoo ba ito?

Totoo ba na ako nga ang anak niya?

Na kakambal ko si Prince?

“Paano kayo nakakasiguro na ako nga yung kakambal mo?” tanong ko kay Prince.

“Emelda was our maid. Siya yung kinilala mong ina, 'di ba?  Hindi ko alam kung bakit niya nagawang nakawin ka sa amin kasi naging mabait naman ako sa kanya. Pero nagpapasalamat pa din ako dahil hindi niya pinalitan ang tunay mong pangalan. Kaya mas madali ka naming natagpuan” sabi ni Mr. Greenford.

“Hindi po talaga ako makapaniwala. Ang hirap po kasing paniwalaan” sabi ko.

“I know na hindi ka agad maniniwala. Pero may isang tao na magpapatunay na tama lahat ng mga sinasabi ko” sabi ni Mr. Greenford.

“Sino Dad?” takang-tanong ni Prince.

Kung walang alam si Prince kung sino iyon…. Mas lalo na ako.

“Papasukin nyo na yan!” sigaw ni Mr. Greenford.

Agad naman kaming napatingin sa pintuan para hintayin kung sino ang sinasabi ni Mr. Greenford na magpapatunay daw.

“RyRy?!” gulat na sabi ko ng makita ko na si RyRy ang lumabas sa pintuan.

Napansin ko na halos hindi siya makatingin sa akin ng deretso.

“Now, tell to him lahat ng alam mo” sabi ni Mr. Greenford na may pag-uutos.

“T-Tama sila, Bebe love. Sa umpisa pa lang ay alam ko na hindi ka tunay na anak ni Tita. Nasabi niya na yun dati sa amin nila mama. Pero maniwala ka sa akin, hindi ko alam na ninakaw ka ni Tita. Ang alam ko ay inampon ka niya sa isang kabigan niya” paliwanag si RyRy sa akin.

“B-Bakit hindi mo sa akin sinabi dati?” sabi ko habang at naramdaman ko nalang ang luha sa mga mata ko.

“Sorry, kung itinago ko. Kasi ang akala ko ay wala ng point na malaman mo pa. Hindi ko alam na may naghahanap pala sayong totoo mong pamilya. Kung alam ko lang sana…. Sana ako na mismo ang gumawa ng paraan para mahanap mo sila” sabi ni RyRy na umiiyak.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon