FABH - 66

12 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 66

( Jerlie’s POV )

Akala ba talaga nila ay panalo na sila?

May hawak pa akong alas…. At si Blaze yun!

Mula sa likod ng nagkukumpulang estudyante ay lumabas si Blaze.

“C’mon, Blaze. Tell them kung anong kasinungalingan ang tinatago ni Prince” nakangiting sabi ko.

“Ha? I don’t know what you are talking” sabi nito.

Ha? Ginagago ba ako nito?

“F*ck, Blaze! Sabihin mong hindi anak ng may-ari ng school si Prince!” sigaw ko sa kanya.

“And why should I do that? Why should I tell a lie?” sabi nito.

Ano daw???? Niloloko niya ba ako?

Sinabi niya sa akin na hindi totoong may-ari sina Prince ng EMU.

Bakit niya tinatanggi ngayon?!

“I am really the son of one of the owner of this school. Where did you get that fake news?” natatawang sabi ni Prince.

“Blaze told me that! Pinagloloko niyo ba ako?!” sigaw ko.

“I don’t remember na may sinabi ako sayo. We’re not friends. We’re not even close. Ikaw nga ang nagpupumilit na ilapit ang sarili mo sa akin, kahit pinagtatabuyan na kita” sabi ni Blaze na tumatawa pa.

“You’re so pathetic! Pinagsiksikan mo na ang sarili mo dati kay Kaizer. Ngayon, kay Blaze naman?” sabi ni Lew.

“Obviosly, malandi ka ngang talaga. Nakakatakot ang sakit mo, girl. Ang kati mo!” sabi ni Pat.

“F*ck you, Blaze! Nangako ka sa akin! Nangako ka na tutulungan mo ako!” sigaw ko kay Blaze.

Napaiyak na ako.

Hindi ko matanggap na napaglaruan niya ako!

Napaglaruan nila ako!

“Are you dreaming? Bakit ko naman gagawin yun? Bakit naman kita tutulungan? Sino ka ba?” natatawang tanong nito sa akin.

“How dare you!” sigaw ko sa kanya.

Niloko niya ako!

Pinaniwala niya ako na tutulungan niya ako!

Akma ko na siyang sasampalin pero pinigilan niya ang kamay ko.

Nahawakan niya agad ang kamay ko.

“Don’t try to slap me, Bitch! Pumapatol ako sa babae. And I will not hesitate to punch your ugly face!” madiing sabi niya sa akin.

Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

I can even feel ang madiin niyang pagkakahawak sa braso ko.

“N-Nasasaktan ako, B-Blaze” sabi ko.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot  sa kanya.

At sa sobrang higpit ng hawak niya sa braso ko ay nasasaktan na talaga ako.

“Let her go, Blaze” utos ni Prince.

“Don’t try to hurt me, or any of my friends. Ako ang makakalaban mo” sabi ni Blaze kasabay ng pagbitaw niya ng pagkakahawak sa akin.

“Binigay ko ang lahat sayo. Kasi nangako kang tutulungan mo akong pabagsakin sila” sabi ko sa kanya.

“I never said that. I will never be a traitor to my friends” sagot nito.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon