FABH - 75

6 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 75

( Lew’s POV )

“Papaano mo nalamang hinahanap kita?” takang tanong ko kay Tim.

“Joke lang. Pero totoo ba? Na hinahanap mo ako?” sabi niya.

“Nakakainis ka naman! Pero seriously, matagal na talaga kitang hinahanap” sabi ko.

“Bakit naman? Don’t tell me na type mo ako? Hindi pwede yan. Friends lang tayo at ayaw kong mabugbog ni Kaizer” sabi nito na natatawa.

“Puro ka naman biro eh. Nakakainis ka naman!” naiinis na sabi ko dito.

Seryoso kasi ako tapos siya naman ay hindi. Nakakainis kaya yun!

“Sorry na. Sige, seryoso na tayo. Bakit mo nga ba ako hinahanap?” sabi ni Tim.

Mukhang seryoso na nga siya kaya itutuloy ko na ang sasabihin at itatanong ko sa kanya.

“Ahmmm. Alam mo ba yung reason kung bakit ako matagal na nawala?” tanong ko sa kanya.

“Ang alam ko lang ay umalis ka at nagbreak kayo ni Kaizer. I don’t know lang kung bakit. Then 2 months ago nag viral ulit na bumalik ka na at nagkabalikan na ulit kayo ni Kaizer” sabi niya.

“That’s right. Pero kaya ako umalis kasi may scandal na nangyari” sabi ko.

Naubo naman siya dahil sa sinabi ko. Nasamid yata ang mokong!

Agad ko naman siyang binigyan ng tubig.

Punyemas itong si Tim, ako pa yata magiging dahilan ng pagkaka-ospital nito eh.

“Grabe ka naman, Lew! Bakit ka naman gumawa ng ganun? Akala ko inosente ka” sabi ni Tim habang umu-ubo ubo pa.

“Pektusan kita, gusto mo? Wala akong ganung scandal! Pag scandal, s*x video agad nasa isip mo! Napapaghalata ka eh!” sabi ko.

“Sorry naman. Lalaki ako eh. Normal na sa amin ang manuod ng ganyan. Pero ano ba yung sinasabi mong scandal?” tanong niya.

Mula sa bag ko ay kinuha ko yung mga pictures naming dalawa dati na kumalat.

Halata sa mukha niya ang pagkagulat at pagkalito.

Base sa reaksyon ng mukha niya ay wala siyang alam dito.

“Saan galing ito? At bakit tayo may mga pictures na ganito?” tanong niya.

“Someone gave that to Kaizer, at hindi namin alam hanggang ngayon kung sino ang kumuha niyan. Bukod sa binigay iyan kay Kaizer ay kumalat din yan sa campus” sabi ko.

“We looked so sweet here. At mukha tayong couple oh” nakangiting sabi niya.

Wala ba talaga siyang balak magseryoso?
Nakakainis!

Binato ko nga ng kalamansi!

“Joke lang naman. So, nagalit si Kaizer ng makita niya ang mga ito?” tanong ni Tim.

“Ano pa nga ba? Basahin mo din ang mga nakasulat” sabi ko.

Tinalikod niya naman ang mga pictures at binasa isa-isa ang mga nakasulat doon.

“We looked so sweet in the pictures, pero nagmukha akong malandi at manloloko dahil sa mga sulat na iyan” sabi ko.

“So, kaya mo ba ako hinahanap dahil iniisip mo na ako ang may pakana nito?” tanong niya.

“You can’t blame me na mag-isip ng ganyan. Pero base sa reaction mo ay nakikita kong wala ka namang kinalaman” sabi ko.

“Wala talaga! Bakit ko naman gagawin ang ganyan” sabi niya.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon