FABH - 56

7 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 56

( Lew’s POV )

“Ah, Lew. May nagpapabigay nga pala sayo” sabi sa akin ni Bugoy.

Kasalukuyan akong nasa kusina at nagluluto para sa tanghalian namin ni RyRy.

Si RyRy naman ay tulog pa. Mamaya pa kasing gabi ang pasok niya.

“Ano yan? Kanino galing?” tanong ko.

Nakalagay kasi sa isang paper bag.

Sinong kayang nagbigay?

Bukod kina Prince, Lexter at Pat ay wala namang nakakaalam na nandito na ulit ako.

“Hindi sinabi eh. Umalis agad yung manong. Sige, ilalagay ko nalang dito sa lamesa ha. May pasok pa kasi ako” sabi ni Buboy at umalis na din agad.

Teka parang may kutob na ako.

Kinakabahan akong lumapit sa lamesa para tingnan ang regalo. At hindi nga ako nagkamali.

Isang box na nakabalot sa kulay gold na wrapper.

Tulad ito ng box na binibigay sa akin nung nasa probinsya pa ako. Regalo mula sa isang misteryosong tao.

Kinakabahan man ay lakas loob ko itong binuksan para makita kung ano ang nakalagay sa sulat.

Wala na akong pakialam sa chocolate.

📩Note:
Curious to know me? Meet me up at the GreenLeaf Tea tonight at 6:00 PM. Hope you will come.

-From 👑K.

Sino nga ba talaga kaya siya?

Isa lang ang paraan para malaman ko na ang mga katanungan ko… Kailangan kong pumunta.

But is it safe na puntahan ko siya? Hindi ko siya kilala.

Baka naman may masama pala siyang plano sa akin.

Tawagan ko kaya si Prince? O kaya si Lexter?

Pero if ever na may masama siyang plano sa akin. Ayaw ko naman na may madamay pang iba.

Pupunta akong mag-isa. Bahala na!

Kahit kay RyRy ay hindi ko na din sasabihin para hindi na siya mag-alala pa.

I know the place. Sa may bandang Ortigas lang ito.

Masyadong maaga ang oras ng pagpunta ko ‘dun, kaya ibig sabihin ay maraming tao.

Kaya kung sakali man na may masama siyang balak ay madali akong makakahingi ng tulong.

.
.
.
.

( Kaizer’s POV )

“Bro, may bagong bar daw sa Ermita. Gusto nyo bang puntahan natin tonight?” tanong ni Oreon sa amin.

Nasa SkyHigh Mall kami ngayong tatlo.

Katatapos lang naming mamili ng mga school supplies sa National Bookstore, at kasalukuyan kaming nakatambay sa isang Milk Tea shop dito.

“Game ako dyan, bro. What time?” tanong ko naman.

“Mga 9 PM? Okay na ba ‘yun?” tanong ni Oreon.

“Okay” sabi ko naman.

“Pass muna ako” sabi ni Phytos.

“What? Malapit na ang pasukan. Sulitin na natin itong bakasyon” sabi ni Oreon.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon