FABH - 21

2 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 21

( Lew’s POV )

Mag-isa ako ngayon dito sa SkyHigh Mall para bumili ng pwede kong iregalo kay Kaizer.

After akong ihatid ni Kaizer sa bahay ay nagbihis lang ako at dumeretso na agad ako dito sa mall.

Hindi ko na pinaalam sa kanya para may surprise ako sa kanya bukas.

Nakakahiya naman kasi. Nakalimutan ko na nga monthsary nga pala naming ngayon tapos wala pa akong regalo.

Kaya heto ako ngayon sa loob ng gift shop at nag-iisip ako kung ano ang ireregalo ko sa kanya.

“Shopping alone?”

Nagulat pa ako ng may magsalita sa likod ko. Paglingon ko ay si Tim lang pala.

“Tim! Kumusta? Why are you here?” tanong ko dito.

“I’m just about to go home. Sinamahan ko lang kasi yung mom ko mag grocery dito” sagot nito.

“Ganun ba? Nasaan na sila?” tanong ko.

“Nauna na silang umuwi. Naisipan ko kasi na mag ikot-ikot muna saglit. Ikaw bakit ka nandito?” tanong niya.

“Nag-iisip ako kung ano ang pwede kong iregalo kay Kaizer” sagot ko dito.

“Birthday?” tanong niya.

“No. monthsary namin ngayon. Nahihiya nga ako sa kanya kasi nakalimutan ko” sabi ko dito.

“Wow! Congrats. So, anong naisip mong ibigay?” tanong niya.

“Honestly wala akong idea. Halos nasa kanya na kasi ang lahat. And hindi ko naman kayang bumili ng mahal para sa kanya” sabi ko.

Ang hirap pala kapag mahirap ka lang at mayaman ang boyfriend mo.

Hindi mo alam kung ano ang ibibigay mo. Nakakahiya din naman kasi bumili ng mumurahin.

At para namang natawa si Tim sa sinabi mo.

“Kahit ano lang ibigay mo. I’m sure Kaizer will appreciate it” nakangiting sabi nito.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

“Can you help me? Your suggestions and ideas can be a big help” sabi ko dito.

Nagpaawa pa ako kasi desperado at naguguluhan na talaga ako kung ano ang pwedeng ibigay ko kay Kaizer.

Nakita ko na naman siyang ngumiti.

“Come here!” sabi niya sabay hila sa kamay ko palabas ng gift shop.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

Ugali niya ba talaga ng manghila?

First meeting kasi namin ay hinila niya din ako papunta sa pizza parlor. Then ngayon naman ay hinila na naman niya ako papunta kung saan.

Kung hindi nga lang siya gwapo ay pwede na siyang mapagkamalang kidnapper dahil sa ang hilig manghila.

Teka... sa isang jewelry store kami pumunta?

Gosh! Alam ko na ang nasa isip niya!

“Tim, hindi ko afford dito” bulong ko sa kanya.

Nakakahiya kasi kung maririnig pa ng saleslady.

Nginitan niya lang ako.

“Good evening sirs. My name is Marie, and I’m here to assist you?” magalang na sabi ng saleslady sa amin.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon