~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 53
( Lew’s POV )
Putteeeekk!!! Ang sakit ng ulo ko!
Napadami ang inuman namin kagabi ah! Patayan eh!
Titingnan ko ang orasan. 10:00 AM na pala.
Agad akong bumangon kahit parang hindi ko kaya. Kailangan ko pa kasing maghanda ng kakainin ng mga bisita namin.
Although mga kaibigan ko naman sila.
Still mga bisita pa rin namin at nagbayad parin sila kaya kailangan kong pagsilbihan.
Agad akong dumeretso sa CR.
Mukhang mga tulog pa naman sila.
Maliligo muna ako saglit para mawala ang hang over ko.Pagkatapos kong maligo at nagbihis ay dumeretso na ako ng kusina.
“Kanina ka pa gising?” tanong ko kay Joem.
Well, halata naman na kanina pa siya gising. Madami pala siyang nailuto eh.
“Oo eh. Maaga kasi akong nagising. Kape, gusto mo?” sabi niya.
“Yes, please. Yung black coffee. Para mawala ang hang-over ko” sabi ko.
“Bakit ba kasi nakisabay ka sa amin ng dami ng ininom? Tapos hindi mo naman pala kaya” natatawang sabi nito.
“Eh kasi baka sabihin nyo KJ ako. At saka okay naman ako kagabi eh. Enjoy kaya” sabi ko habang hinihilot-hilot ang sintido ko.
“Mukhang nag-enjoy ka nga. Panay ang kanta mo eh. Tapos ang kulit mo na din” sabi nito na natatawa pa habang inaabot sa akin yung kape.
“Tse! Eh ikaw? Bakit parang wala kang hangover?” tanong ko.
“Ahmmm.. Sanay na siguro” simpleng sagot nito.
“Good morning!” bati ni Lexter.
Kasabay niya si Prince na mukhang kakagising lang din.
“Good morning. Kape gusto nyo?” tanong ni Joem sa kanila.
“Yes, Please” si Prince na ang sumagot.
Halata sa mukha nila na may hang-over din.
“Ang aga nyo naman yata nagising” tanong ni Lexter.
“Ako kakagising ko lang. Pero si Joem ay kanina pa yata. Siya lahat nag-prepare nyan eh” sabi ko.
“Sanay naman ako sa inuman. Mahihina pala kayong mga taga-Manila eh” pagmamayabang nito.
“Eh si Blaze? Tulog pa ba?” tanong ni Lexter.
“I’m here! Miss me already?” sabi nito.
Kakapasok lang niya at mukhang bagong gising din lang.
Nakakatawa ang mga itsura ng tatlong mokong. Parang mga basang-sisiw na kulang sa ligo.
Gulo-gulo ang mga buhok nila at mga bagsak ang energy.
Maya’t-maya pa ang hikab nila.
Buti nalang at balewala lang kay Joem. Siya tuloy ang taga timpla namin ng kape.
“Pagkakain ay maligo na kayo. Para naman bumalik na ang mga energy nyo” sabi ko.
Kanya-kanya lang silang tango.
Punyemas ang mga mokong na ito!
Akala mo eh mga palaban sa inuman, yun naman pala ay mga mahihinang nilalang.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
Roman d'amourMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...