~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 54
( Lew’s POV )
“Baliw ka! Bakit mo tinapon si baby KaiLew ko?” inis na tanong ko sa kanya.
“Eh ang akala ko ay ayaw mo na dun. Hindi mo kasi dinala” sabi nito.
“Nakakainis ka naman eh! Dapat nagtanong ka muna sa akin bago mo tinapon!” inis na sabi ko.
“Sorry naman Bebe love. Bibilhan nalang kita ng bago” sabi nito.
“Huwag na! Hindi na yun si baby KaiLew!” sabi ko sabay upo sa kama.
Nakakainis talaga! Nakikialam ng gamit ko!
“Sorry na nga. Akala ko kasi hindi importante yun eh, kaya mo iniwan. Sorry na Bebe love. Kakarating mo lang tapos inaaway ko agad ako” paglalambing nito sa akin.
“Ikaw kasi eh!” sabi ko.
“Bakit ba parang importante sayo ‘yun?” tanong nito sa akin.
Kainis! Sasabihin ko pa ba?
Bakit ba affected ako? Si Kaizer lang naman ang nagbigay nun?
“Tsk! Hayaan na nga lang natin! Huwag na nating pag-usapan” sabi ko.
“Okay. Halika ka na sa baba at kumain na tayo. Baka gutom lang yan” sabi ni RyRy at inakay na ako pababa.
Naka-ready na pala ang pagkain.
Hindi pa naman ako gutom, pero nakakahiyang hindi kumain kasi nag effort pa si RyRy.
Wala kasi akong ganang kumain. Kasi wala na si baby KaiLew.
Kahit naman galit ako kay Kaizer, eh iba pa din si baby KaiLew. Wala naman kasing kasalanan si baby KaiLew.
Yung daddy niya ang bad!
Teka, daddy talaga? Weh?
Hay naku Lew! Gising! Move-on na ‘te!
“Hoy, Bebe love!” tawag sa akin ni RyRy.
“H-Ha? M-May sinasabi ka ba?” tanong ko dito.
Napalalim yata ang iniisip ko.
“Ang sabi ko kung kumusta naman si Joem dun?” sabi ni RyRy.
“Okay naman yun dun. Happy naman sa probinsya eh. Masipag at mabait siya to be fair ha. Yun nga lang sobrang kulit. Parang bata!” sabi ko.
Bigla kong na-miss yung presence ni Joem.
Wala ng manggugulo sa akin. Yung magulo pero caring na tao.
“At higit sa lahat ay mapapagkatiwalaan ko yun. Kaya nga bestfriend ko eh” sabi ni RyRy.
“Naku! Mukhang naagawan ka na sa title na bestfriend. Sila na kaya ni Blaze ang magkatropa ngayon!” sabi ko.
“Sinong Blaze?” tanong nito.
“Ah, anak siya ni Mrs. Hera. Yung head at CEO ng EMU” sabi ko.
“Then? Papaanong nakilala ni Joem?” tanong nito.
“Matagal na palang suki ni Joem si Blaze kapag summer. Dun kasi pala nagre-rent si Blaze sa atin. Then nagkataon naman na magkakilala din kami. Mas close nga silang dalawa kaysa sa akin eh, dahil siguro once pa lang naman kami nagkita ni Blaze dati” sabi ko.
“Ahh. Teka. Ano nga pala ang ibig sabihin nung Prince kanina?” tanong nito.
“Ang alin?” tanong ko naman.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...