~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 61
( Jerlie’s POV )
“Jerlie, tama na yan” saway sa akin ni Pat.
Aba! Nakikialam pa ang gaga na ito!
“Bakit Pat? Naaawa ka ba sa kanila? Gusto mo bang isama kita sa parusa nila?” sabi ko dito.
Matagal-tagal ko na ‘ding hindi nabibigyan ng parusa ang babae na ito eh. Nakakamiss din pala.
“Hindi ako sa kanila naaawa… kundi sayo” sabi ni Pat.
What????? Sa akin pa talaga? Nagpapatawa ba siya?!
“And may I know why?” sarcastic na tanong ko at tinaasan ko pa siya ng kilay.
“You’re the SC President and you don’t even know them?” sabi naman ng kakarating lang na si Lexter.
“So, nandito ka na rin? At gusto mo din mangialam? You are not part of student council anymore, Lex. So, shut-up!” mataray kong sabi dito.
Nag quit siya nung malamang ako ang tatakbo ng SC President before.
Prangkahan niyang sinabi sa akin na ayaw niya akong makasama at hindi niya ako gusto.
But who cares! Wala din naman akong pakialam at ayaw ko din sa kanya!
“Jerlie, you should know kung sino ang sinisigawan mo at binuhusan mo ng juice” sabi ni Phytos.
“I know them! Isa lamang silang mga bastos na transferee na gustong sumikat! Mga bago pa lang sila dito pero ang yayabang na nila!” sigaw ko.
Napapalibutan na kami ng mga tsismosong estudyante dito!
At nakita nilang lahat ang nangyari.
Pero wala akong paki!
Mas mabuti nga ‘yun para matakot sila na kalabanin ako!
“Jerlie, Blaze is the only son of Mrs. Hera. The CEO and the President of this school” sabi ni Phytos.
Anak ni Ma’am Hera?
Yeah, I heard his name before.. Blaze Hera, the favorite son of Mrs. Hera.
Bakit ba hindi ko naisip yun kanina?!
“And Prince is the son of one of the owners of this school. He can kick you out anytime dahil sa ginawa mo” sabi naman ni Lexter.
Si Prince Greenford? Anak ng isa sa may-ari ng school?
F*ck!!!!
“W-Who c-cares! Kasalanan naman nila! SC President pa din ako! And I have the right na magparusa!” sabi ko.
“But you’re the one who started. I asked you politely if you are talking to me, right? Pero sinigawan mo agad kami” sabi ni Prince.
“Marami ang nakakita at nakarinig. So you can’t deny it” dagdag naman ni Blaze.
“And nakita ko din ang mga nangyari” sabi naman ni Lexter.
“Kami din” sabay na sabi naman nina Pat at Phytos.
F*ck!!!! Pinagkakaisahan ako ng mga ulupong na ito ah!
“Okay, fine! It’s my fault! You can leave now! Hindi ko na kayo paparusahan” inis na sabi ko.
“Not yet” sabi ni Prince.
“What?! Why?!” inis kong sabi dito.
Pinapaalis na nga sila pero ayaw pa din?
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...